isang maikling pamamaalam sa isang manunulat na saglitang nakasalamuha noon sa CCP noong kasalukuyan kaming tinatanong ni ed cabagnot kung may kuwenta pa ba ang pinoy tula at kuwento sa panahon ngayon. saglitan ding nakasalamuha si sid sa ilang writers' events at siyempre pa sa ilang writer's night.
sid hildawa. manunulat. paalam.
napakaaga naman. sabi ni wendell (capili) kahapon, 44 ka lang. kalahating dekada na lang, nasa dekadang iyan na rin ako, kami. ano ba...
ang aga. ang labo. ang aga.
parang noong nawala si maningning. ano ba... ang aga. ang aga-aga pa...
marami namang manunulat na macho shit diyan. bakit hindi sila ang kinukuha ni lord? alam ko kung saan sila tumatambay. gusto mo ng directions, lord? doon mo papuntahin si grim reaper sana. at lubayan niya ang mga di pa dapat umalis dito.
ang aga pa e.
bad trip. :(
No comments:
Post a Comment