"madami ang magaling gumawa pero
konti lang ang marunong magturo"
konti lang ang marunong magturo"
tell that to our overconfident students!
kasi tama yan!
ilang batikang chenelyn ng pelikula na ang inimbitahan kong magturo sa aming film institute pero tumanggi sila dahil sa hindi daw sila marunong magturo. may ganun talaga. mahirap ituro ang ginagawa mo minsan. pero depende sa gawain din. tulad ng isang instructor ngayon na magaling sa isang larangan ng pelikula. kapag hinihiling kong magturo siya ng ibang sabjek, hindi niya talaga daw kaya. kaya naiintindihan ko naman iyon. kasi nga, ang tawag doon e "specialization."
kaya naiinis ako sa ilang mayabang na estudyante minsan na nagtatanong kung bakit si teacher ganito o ganyan e nagtuturo ng ganito o ganyang sabjek. ano daw ang k ng mga ito na magturo ng ibang ganito o ganyang sabjek na sa akala nila'y labas sa kilalang kaalaman at talento ng gurong iyon.
hindi pa yata alam ng mga ito ang "lumang uso" sa buhay ng henerasyon namin, ang konsepto ng MULTI-TASKING. saka kasi din MULTI-TALENTED din kami kaya ganun. kunwari, hindi lang ako photographer at filmmaker pero literary writer din ako.
kaya minsan napaka-wengwang ng ilang guidelines sa paghingi ng grant sa unibersidad. sabi dito, hindi ka puwedeng humingi ng grant para gumawa ng isang creative work kung ang gagawin mong work ay nasa labas ng iyong disiplinang pinagtuturuan.
HA???????
e patay na. sino na lang kaya ang puwede sa grant na yun?
ang mga nagtuturong manunulat, gumagawa rin ng pelikula.
ang mga nagtuturo sa pelikula, gumagawa rin sa teatro.
ang mga nagtuturo sa broadcasting, abogado rin.
ang mga nagtuturo ng peryodismo, nagtatrabaho din sa radyo at NGO
di ko magets. ang archaic ng parameters. well, tignan na lang natin if this works. abangan...
at habang nag-aabang, eto ang sabi ng manunulat na si bien lumbera na dati kong guro sa film theory and criticism class:
IMBITASYON SA FEBRUARY 29 INTERFAITH RALLY
Tula mula kay National Artist for Literature Bienvenido Lumbera
Bayang Filipinong ayaw nang pagago
Sa mga pakana ng gobyernong Arroyo,
Sa a-beinte-nueve (29) ng buwang Pebrero,
Dumalo sa rally at lalaban tayo.
Sobrang-sobra na ang ating tiisin,
Ang pangungurakot, pagsisinungaling,
Sagad hanggang buto, dapat nang matigil,
Di tayo aatras sa Pangulong Evil.
teka, san ba ito magaganap?
No comments:
Post a Comment