14 October 2007

see you Oct20sat at the Dyke Dialogues...

yeah yeah i know, i know, it's not the best of titles but hey, mga lawyers nag-isip nyan e so heheheeheh. peace mga ati! hihi. don't sue me!

sabi nga ni fire kagabi, "e i'm not a dyke e!" okay lang yun. sometimes labels are meant for other people, not for us, to identify us. ganun lang yun. hindi naman derogatory e...

ang point lang naman niyan e, punta kayo kung kayo ay babaeng nagmamahal ng babae at kung nais niyong makahuntahan ang mga kaedad niyo, mas bata sa inyo at mas matanda, join kayo dito. kahit wala kayong kakilala, okay lang. maybe this is the chance to meet new friends. kung shy kayo, puwede namang pumunta lang at mag-observe at makinig. walang prublema yun. iba naman tayo sa mga badingerz na pag may new fez e manghahaba ang leeg para ma-sight ang utaw at unahan na sa senyasan galore haaay. i've noticed that this doesn't happen as much in lesbian gatherings...unless you are just so uber-hot na prettybabe na you can't help it if you're gorgeous na talagang luluwa mata ng mga utaw sa yo...but that's another story. men really are from mars (they go to war to be near each other? hehe) and women are from venus (mahilig mag-observe ng beauty from afar, like gazing at the stars and planets chenes).

so again, hindi uso-uso ang "shy ako" mode, ha kat
ê ! hehehe. (oo special mention ka talaga hahahaa. bitbitin mo yung mga pinakilala mo sa aking taga-babaylan.)

one of the organizers, The L Word Manila Meetup Group, is a young group i'm involved with na ang point every month ay magkita-kita kahit simpleng hangout lang somewhere in a cafe in cubao, morato or wherever, chikahan for hours, at kung anupaman. nagsimula ito as online community who like the show when it first came out some years back, then mga Lword-watching marathons sa bahay ng sinuman somewhere ensued. diverse ang mga tao dito. ang iba ay music lovers na nagha-hangout sa mga gigs ng ilang members na may banda, ang ilan naman ay sporty type na mga futbol/soccer gels, at ang iba ay mahilig manood ng sine o gumawa at mag-recite ng tula. at iba pa.

yung isang organizer, yung Rainbow Rights, ay isang LGBT rights org na puro lawyer ang member, mga matagal na rin sa
LGBT advocacy movement, na naisipang mag-reconnect sa mga mas bata. masaya yang mga yan, mga miyembro rin ng iba pang lgbt orgs like LEAP (Lesbian Advocates of the Philippines) at involved rin sa Task Force Pride network like me. mga kick-ass lawyers sila. ang ilan sa kanila ang tuma-tumbling sa congress at senado para ipaglaban ang ating mga karapatan sa pagsulong ng Anti-Discrimination Bill (ADB) na itinataguyod ang paglaban sa diskriminasyon based sa sexual orientation/gender identity. kung may legal problem din kayo at lgbt kayo, puwede silang dumulog, para silang NGO.

yung host ng venue, Radar Pridewear, ay mga kaibigan ko na nag-iisip ng mga alternative things for lezzies na events, alternative to the usual disco disco exclusives na sampu sampera na rin diyan sa tabi-tabi. para ito sa mga hindi trip mag-usap sa maiingay na bar type. nasa venue rin ang store ng radar, at doon niyo makikita yung mga shirts na suot ko. bili rin kayo, sale sila ngayon.

sabi nga nila, this is a safe space for women. to tell you a bit of history sa building, dati ay may bar-resto diyan called gills and fins, na sa gabi ay nagiging exclusive lesbian disco dance place. bilang bata pa kami noong late 90s e hangout kami doon lagi, maraming EB ng chatters, special events connected to pride march activities, other lesbian or mixed LGBT activities chenes. doon nag-hold ng launch ang UP Sappho Society noong 1998. masaya sa katipunan noong mga panahong ito...we painted the town pink and purple.

kaya sinusubukan ulit naming buhayin ang lugar ng ganitong mga events. punta kayo mga gels. imbita rin kayo ng mga kaibigan niyo. para sa mga naghahanap ng mga matitinong diskusyon tungkol sa ating katauhan, baka ito na ang pagkakataong hinahanap niyo. at ang importante sa lugar na ito ay: walang husgahan.


okei?

o tara na punta tayo ha.


Rainbow Rights Project (R-Rights), Inc.,
in cooperation with Radar Pridewear and
The LWord Manila MeetupGroup, will be
holding its second informal chat/FGD
this month, entitled "Dyke Dialogues: A
Rainbow Exchange on Identities and
Partnerships" . It will be held on 20
October 2007, Saturday from 1:00-5:00
pm, at the the Roofdeck, FBR Arcade
(the building where Yellow Cab Pizza is),
317 Katipunan Avenue, Quezon City.

Aimed at reaching out to the young
members of the LGBT Community, R-
Rights members will be joined by veteran
Lezz activists who want to interact with
the new Lezz generation.

The activity will be a light discussion
on gender identification and
relationship dynamics and how these
issues determine the Philippine LGBT
advocacy landscape.

RSVP to (0917) 8870501

No comments:

Post a Comment