23 October 2007

minimum requirements for living and loving

sabi ng friend ko, subukan ko daw maglista ng minimum requirements na gusto ko sa isang relasyon o karelasyon. ang purpose nito ay para makita mo man lang kung nafu-fulfil at least ang ilan doon o lahat (e minimum na nga e, so dapat lahat). kumbaga, checklist of what you want, what to expect and what not to expect and all that.

sounds fair enough. i tried thinking about some things, so here is mine:

1. dapat malambing sya.

kasi simple lang yan. malambing akong tao kaya gusto ko rin ng malambing na tao. simpleng equation di ba? hindi kelangang syrupy sweet na nakakasuka type. hindi lambing yun, pukyutan yun. yung normal lang
, loveydovey type.

2. dapat hindi siya praning

yung tipong hahawakan mo lang yung bag niya e magki-cringe siya at akala niya yayakapin mo siya in public, na takot na takot siyang mangyari dahil baka daw may kakilala siyang makakita sa kanya at isusumbong siya sa nanay niyang religious zealot chenes chenes chenes at kung an
u-ano ipapadeklara niya sa mga kaibigan niyo like "hindi naman kami e" or "wala namang nangyari sa atin di ba" or "if they ask, tell them we're just housemates". pookenanginang... which brings us to the next one..

3. dapat out siya

i don't fucking care if i am discriminating against closeted individuals out there. sure, i know your limitations and all that and i respect your rights to privacy and all. but as applied to me, i'd rather have someone there with me who will not barf at the idea of at least holding hands man l
ang in public. at wala pang pda yun. but not to say i want to pda in public. what i mean is, malambing nga kasi akong tao kaya minsan nailalabas ko ang lambingan in public at dapat okay siya sa ganoon dahil yun ang pagkatao ko.

bottomline is, ang tanda ko na para magtago. at saka, i was not reared inside the closet in the first place. when i discovered i was a lesbian, i did not hide it inside the closet. i shared it with everyone i knew -- even my mom -- because that was how excited and proud i was of discovering who i really was. because it was that monumental a moment. no closet coul
d hold it back or hold it in, kahit expert furniture maker ka pa using bamboo or mahogany.

4. dapat koboy siya

kung trip niyang sumama sa akin para manood ng stage musicals like new voice company's into the woods or kung type niya mag-hangout sa isawan sa peyups para kumain ng isaw at mang-okray ng pseudo-fashionistang passersby, e di gud! ibig sabihin nito, meron siyang level of flexibili
ty that will give lastikman a run for his money. at saka adaptable siya sa maraming bagay, lalo na sa differences ng mga tao. which brings me to the next one...

5. dapat hindi siya classist matapobre freak kundi patient and tolerant of differences

kung mapangmata siya ng sadya sa karakter at hindi out of acting exercises, ibang usapan yun. iba ang nagdo-donya buding-buding-an mode sa tunay na cruella de vil mode. those people deserve the
electric chair three times over until their brains fry and their farts turn extra crispy.

dapat pasensiyosa rin siya sa lagay ng ibang tao. hindi niya dapat ibinabalewala ang experiences o concerns ng ibang tao dahil lang sa hindi niya concern iyon o kaya she finds it petty and immature and beneath her. we all have different beats and cycles, so we have to be respectful of this if we expect others to be respectful of our own processes.

kasi sana naiintindihan niya na ako, kaya kong kumeri sa kahit anong klaseng tao, kasi nagawa ko na iyan dati pa at hanggang ngayon. kaya kong matulog sa isang ifugao hut, makihuntahan sa mga muslim, umikot sa urban poor areas, makikain sa mga magsasaka at mangingisda, tumabi sa mga tomador sa kanto o sa bar sa makati, makipag-usap nang malapitan sa mga may HIV/AIDS, gumala sa tondo o forbes park, maki-dinner kasama ang mga anak ng lowest utility sa crew sa set o maki-drinks with the sons of philippine presidents, at makipagpalitang-kuro sa mga nepalese, chinese, taiwanese, new yorker, german, spanish, vietnamese, laotian, cambodian, turkish, iranian, kenyan, nigerian, indian, malaysian, japanese, korean, canadian, american, mexican at mga naniniwalang sila ay sirena. yes i've done all that. so give me credit where credit is due. in short, kaya kong makihalubilo sa mga kaibigan mo o kaaway mo.

6. dapat into the arts siya, o naiintindihan niya ang importance ng arts


dahil sa totoo lang, kung sa gitna ng isang movie premiere ay tatawagan ka niya at itatanong kung bakit ka nanonood ng sine at para san iyon at kailangan ko bang panoorin yung sine na iyon, man it's time to take a hike. hindi ito call para maging bohemian ka. call ito para intindihin mo na the world is not ruled by the left hemisphere of the brain all the time. artistic tayong mga tao, lalo na tayong mga pinoy. get with the program. we invented the karaoke di ba?

7. dapat sensitive siya sa needs mo

kung ang daily conversations niyo ay peppered with "aynako yung boss ko, aynako ang dami kong gagawin, aynako ang daming prublema sa office ko, aynaku kelangan ko asikasuhin si mama at mga pamangkin ko,
aynaku wala akong oras makipag-text sa iyo dahil dami ko pa trabaho..." aynako baka kelangan nang humanap ng isang nilalang na magtatanong sa iyo ng "kamusta ka na? kamusta ang lagay mo?" nang hindi pabalat-bunga at out of obligation at dahil tunay na gusto niya talag
a malaman ang lagay mo because she cares. hindi sa dinidikta mong alagaan ka niya pero at least naman dapat she cares di ba? parang hallmark card, nangungumusta with true feelings...

8. dapat honest siya sa feelings niya sa yo

kung talagang like ka niya, dapat iparamdam niya yun sa yo. kung ayaw niya sa yo at napipilitan lang siya, dapat din she has the decency to tell you and let you go. pero kung wala na siyang gusto sa iyo at tinatago ka lang niya diyan sa sidelines as a reserve or spare tire kapag naflat siya, ay it's high time to get outta there and find a new garahe to park your butt in, along with the rest of you. ano ka, carpark? buti nga carpark may
earnings e. ikaw wala. dinadaan-daanan ka lang, nalalaspag pa. wa na.

9. dapat matino at masarap kausap

from intellectual banters to simplistic hoots, dapat keri niya lahat ng spectrum ng pag-uusap. saka dapat naa-appreciate din niya ang silent mode. saka dapat aside from being a good talker/conversationalist, she is also a good listener, not patronizing lang. and most of all, nire-respeto ang differences in opinion ninyo, hindi yung aawayin ka niya kung di ka sasang-ayon sa opinyon niya o kaya mamatahin ka dahil iba ang opinyon mo kesa sa kanya. labo di ba.

10. dapat tanggap niya kung ano ka

kung bigla ka niya sasabihan ng "nami-miss ko ang feeling ng sex with a man/with a penis, aynako baka kelangan nang bumiyahe without her. the moment she looks for a body part that you don't have, hightail outta there. and tell her to fuck herself.

11. dapat she is a woman of her word. at
walang third party. kahit ex-turned-friend pa man niya yun.

if she ends up as a pathological liar na nagse-send ng "i care for you" text messages (send to many mode) sa yo at sa isa pa niyang kalaguyo ay baka kelangan mo nang mag-isip-isip kung ano ang gagawin sa kanya sakaling magkita kayo sa kalye the next day.kahit pa man may platonic bond pa sila ng ex niya dahil sa maraming domestic matters like housing, bills, a shared child custody, aba puta dapat malinaw ang usapan at alam niya kung saan hahatiin at ilulugar ang mga bagay-bagay. saka sabihin niy
a yung kaya niyang gawin at gampanan. dapat hindi siya nangangako ng hindi niya kayang tuparin dahil sa totoo lang, masakit at nakakalungkot mag-expect sa wala.

12. dapat hindi siya sinungaling

before and during the relationship syempre. sobrang sakit lang kaya nung malaman mo na kinikita pa niya ang ex niya secretly dahil they want to be friends lang blah or kung hindi niya sinasabi sa yo saan siya pupunta ek, hay...dapat up front lahat ng transaksyones ni
nyo sa buhay. walang secret secret. walang tinatago. dapat lahad lahat ng bagay na patungkol sa pagsasama niyo.

after the pagsasama, siyempre ibang usapan na yun. pero sana naman hindi rin siya sinungaling to the point na ipagkakalat niya sa mga tao ang mga kasinungalingan about you, like sasabihin niya "kimulimbat niya ang pera ko ng 2 million...pero di bale na, kikitain ko rin yun" o kaya "she physically abused me" o kaya "siya ang lumapit at nag-pursue sa akin, hindi ako, kaya napilitan lang ako pumatol" and all that shit. dibale, kakain din sila ng shit when they reach the 8th circle of hell...

13. at dapat, gagawa siya ng effort para magwork ang relationship niyo.

and this means she will work hard to make efforts to make it work, not leave the hard work and decisions up to you to decide whether the relationship will work or not. yung parang pontius pilate mode na ayaw maghugas ng kamay drama mode. dapat she should also put her stake in the relationship like you are putting stake at it, which means she should find time for it, nurture it, try to work things out when things are not smooth, have time for you and make moments worthwhile. kahit mahirap at magulo.

bottomline: if you want it to work, work on it. if not, let go. let it go, let her go. then go.


-------

o ayan na ang aking dyke's dozen, which is of course, like the baker's is 13...kasi ang dila, puwede ring mag-function bilang daliri. waahahahahahahah naloloka na akoh.

chos.

next step is to evaluate.

1 comment:

  1. Hi Libay! Thank you for your dirty dozen of partner requirements. Napaisip din tuloy ako kung ano nga ang hinahanap ko sa isang lalake. Oo, back to men ngayon ang biyuti ko, and I'm having fun dating the men I meet thru Yahoo Personals. I guess unisex naman ang requirements na sinulat mo, at alam ko may bago na naman akong natutunan galing sa iyo. Salamat sa panulat mo, Libay! Bow talaga ako sa lahat ng talento mo! Padayon.

    ReplyDelete