06 October 2007

level of evil lives

as i write this, friday has just passed and it is now saturday. but my mind is still on friday because it was one heck of a day...

levels. maybe people are multi-taskers, multi-talented, multi-whatever. but it always amazes me the level of evil (evilness) one has in them. innate, cultured or developed over t
ime, talagang may level lang ng evil ang isang tao na ikagugulat mo...

like kung may magreklamong irate employee, magtataka ka sa level of evil na kaya nilang gawin, spending so much energy writing emails, letters, petitions and such when they could have spent that time doing their work well and doing what was/is asked of them in the first place instead of spreading hate mail or such and displaying arrogance and bigotry with their words while they contradict their logic in every other paragraph. labo. if they get their jobs well in the first place, e di walang mangyayaring kakaiba, di ba? labo. sila na nga pinagbibigyang madalas, sila pa aangal ng pi
nakamalakas. in short, rakstar mentality ever. pangks nat ded men, i swear.

meron namang katrabaho mo na malinaw
kausap pero pagtalikod mo pala, iba ang gagawin niya at sasabihin. tapos gagamitin pa ang kakaibang koneksyones para magpatulong sa pag-apak ng mas maraming taong hindi naman siya nakikita bilang matino -- dahil sa marami sa kanyang tumitingin ng ganun, kasi nga hindi talaga siya matino ever. di ba? nakakatawa minsan ang professional callboy mode... labo.

meron ding mga malinaw naman kausap at sumusunod sa kinauukulan pero di ko mawari kung naa-abduct ba sila ng alien at h
indi nila naaalala ang tama at wastong gawain ng matinong tao. di ko kasi sigurado kung tao pa ang tingin nila sa sarili nila... minsan parang hindi, e. parang outer space waste ito...labo.

meron ding mga kausap na matino at matalino pero mahina ang loob na hindi mo alam kung saan galing iyong panghihinang iyon. tapos ibabato sa iyo lahat ng bato dahil sa sabi nila mas matibay ka at di
matitibag kesa sa kanila. tapos idadagdag pa na isa kang source of strength nila at sa iyo sila kumukuha ng lakas. pero paano naman ako? tanong ko pa rin: saan ako kukuha ng sarili kong lakas? no matter how sweet it is, a sugarcane stalk just could produce this much amount of juice, y'know... after that, mahirinan ka na sa nginatngat na hibla. yun. labo.

pero mas nakakatawa yung merong level of coldheartedness diyan na sobra lang na iba na ang level sa ka-afraid-an, yun bang tipong nakakatakot na siyang kilalanin kasi akala mo kilalang-kilala
mo na siya tapos eto't nagkaroon lang ng bagong information tungkol sa isang revenge factor e mas tumaas ang level ng evilness niya dahil sa ikinatutuwa niya ang kahirapan ng iba. e revenge factor nga e, sabi ng iba, kasi nga dati siyang nalustayan ng kaluluwa ng taong ito noon. pero kahit na. kaya minsan, akala ng lahat kaibigan niya ang mga nilalang sa paligid niya, pero hindi rin pala. kasi nga nakaramdam na siya ng ibang lebel ng ka-evil-an kaya nag-iiba ang ikot ng utak niya. hm, ewan ko ba sa ganyang tao...labo.

meron din diyang makindatan at mangitian lang, gumigiri na sa pagsusutil at panunulsol ng pagkakanti
. pero pag siya naman ang hinarapan mo ng ganting kanti, tangina tiklop! tapos di makatitig sa yo. sa likod ng tahimik na postura, markang demonyo pala ang makikita sa mga isip, puso o dibdib nila. what-everrrrr. labo.

tapos may pahabol pa! wala nga sa eksena, nalapitan lang ng isang nasa eksena, aba't umeksena na
siyang sarili! ni wala nga siyang kinalaman sa eksena in the first place, nakiki! kainiz. pero ang topper nito ay, sobrang obvious ang pakiki-eksena niya!!!! labo nito men. as in. labo.

ibang klase talaga ang mga nilalang hane... hay...

*

pero masaya rin ang biyernes kasi last day of classes officially sa peyups. yehey no more classes no more books n
o more students dirty looks hwehwehwehwe keerowk! yan ang mantra ko every end of sem. kung di mo alam kung saan galing yan, laos kaaaaaaaaaa!

*

i should do a piece about evil, no? dami ko nang source material e. pasensiya kayo't manunulat ang inugnay niyo sa mga lebel niyo. kanya-kanya lang yang creativity when it comes to saying
what one wants to say back, di ba la?

tro.

at least in my kind of ranting and exacting revenge, i win awards pa hahahahaa chos! e kayo? huwanaaaaaah. kangkungan galore.

takatak tak tak tak tak...

No comments:

Post a Comment