nasa mood so dive lang.
SISTERHOOD OF THE TRAVELING PANTS
s. from the novel by ann brasshares
since there's a dvd of this lying around somewhere here, i decided to watch it when i saw that the young adult literature (YAL) novel na pinagbasehan nito ay kasama sa "teens read too" 20-book challenge chuva ng adarna house, sponsor ng barlaya YAL workshop na sinalihan ko. dahil sa YAL at amerikano at mga teeny girlies, parang alam ko na ang mangyayari sa pelikula, at sa libro na rin siyempre.
okay ang naratibo niya, not too exciting yet not too boring either. maganda yung concept na isang pantalon sinusuot ng apat na iba't ibang personalidad na kababaihan at sa pagsuot nila nito e may nadidiskubre sila sa sarili nila eklavu. siyempre hindi positive lahat, dahil mukhang yan ang thrust ng YAL lately na napapansin ko, na bridge siya sa pagpapaintindi sa mga hindi na gaanong bata sa mga isyu ng mundo na kinakaharap ng mga matatanda at paghahanda ito sa kanila bilang malapit nang maging matanda. something like that. like two of the characters dealt with issues of death here, yung isa, si punk rocker filmmaker nagpapaka-goth outcast e nakakilala ng isang feeling close na bata na may leukemia pala, na nadeds. tapos yung blondinang soccer player na promiscuous e namatayan ng ina. tapos yung dalawa, dilemma ng pamilya at/o pag-ibig, tulad ng karakter ni america ferrer ba yun, herrera something, basta yung si UGLY BETTY, na may race issue dahil puerto rican siya at puti tatay niya na biglang nagkaroon ng ibang pamilyang sobrang WAC ang dating. tapos yung isa e greek naman at napaibig sa isang kaaway ng pamilya niya sa greece a la romeo and juliet na plot pattern.
so mga complex na pinagdaraanan o pagdaraanan ng mga teenager ang kinaharap nila. maganda naman nga ang paglalahad. epektibo siya bilang pelikula rin kasi nakita ko ang ganda ng greece. ang sarap talagang bisitahin ang lugar na iyon. i swear isang araw, i will be there and worship at the palace of my goddess athena hehe.
medyo naging interesante ako sa libro nang napanood ko ito. makes me want to see how the narrative unfolded through the pages. sige basahin ko.
BRIDGET JONES 2: EDGE OF REASON
c. renee zellweger
may isang salita na dati ko pang ginagamit noong kabataan ko dahil may tunay siyang meaning na narinig kong muli na ginamit ngayong matanda na ako ng konti sa isang konteksto na nakakaaliw at nakakatuwa, di taliwas sa orihinal niyang konteksto pero may pagkakaiba ng kaunti. iyon ay ang salitang TUMBLING. ang daming kaibigan sa lgbt community na gumagamit nito na ngayon e naririnig ko na rin kahit sa labas ng komunidad. like pag nagdi-discuss ng strategies ng anti-discrimination bill sa congress, sasabihin ng mga lobbyists na "magta-tumbling ako sa kongreso bukas" or something like that. kaya tuwing maririnig ko ang salitang tumbling e natutuwa ako...at oo, magaling akong mag-tumbling nung bata ako. na ang proper term pala, i learned when i grew up, was cartwheel.
bakit ko dini-discuss ito? dahil sa nag-tumbling ang byuti ko nang pinapanood ko ito. it's bad enough that i get reminded of how sad single life is via bridget's ramblings blah blah na kung titignan naman talaga e single life's not so bad. pero she makes it sound so bad, kaya naiinis din ako dahil nakakadagdag ito sa undue pressure sa mga taong single diyan, lalo na't babae ka, at pilipina ka, at hetero ka. grabe lang sa pressure. i have tons of friends and relatives who could vouch for that. you might be one, too. well, of course hindi rin exclusive ang singlehood discourse sa hets only. even lesbian women feel the pressure. read my article on that and you'll know, especially the section appropriately titled "keeping up with the bridget joneses."
yung unang film, okay lang. may humor. pero itong isang ito e hindi ko alam pero parang naging pathetic loser shit si bridget, na lagi siyang nagmumuni-muni at nagsususpetsa sa jowa niya. makes me think how the author of the book looks at single women, na kapag matagal kang single tapos nagka-jowa ka, you become some pathetic person who holds on to the relationship and flaunts it pa sa lahat or something like that. basta! nakakairita.
mas lalong nakakairita ang pinaka-reason kung bakit ako nag-tumbling: the lesbian angle. all along, yung pinagdududahan niyang mistress ng jowa niya e sa kanya pala may gusto, at hinalikan pa siya! tangina talagang tumambling ang byuti ko sa plot twist na itich! kainis! kaasar! para saan yun??? walang silbi. wala na sigurong maisip yung author. helen fielding ba? whatever. hindi nakaka-engganyong basahin tuloy ang libro. nyetah. buset.
*toingk!* (sound of me tumbling)
CAVEDWELLER
s. based on the novel by dorothy allison
the reason why i watch or buy books with dorothy allison's name is that she is an out lesbian writer who writes well. short stories ang una kong nakita sa kanya noon sa mga lesbian anthologies. kaya nung nakita ko yung librong BASTARD OUT OF CAROLINA sa bookstore dati, binili ko. pero di ko pa ito nabasa kasi may nakita ako agad na pelikula nito sa video store. so being the film buff that i am, i watched first. and boy, was it heart-wrenching. hindi ko na mauulit pa yung storyang yun, so the book now remains unread to this day. hambigat kasi men.
enter cavedweller. i don't have a copy of the novel pero what the hey, watch the dvd na lang muna. so that i did. and as typical of allison's stories, it is set in some midwestern/southern (not so sure) state in the US where they have twangs where they speak. medyo redneck country so to speak, for lack of a better description. specialty niyang magkuwento ng mga kuwento mula sa ganitong lugar, ng mga taong not too destitute but sometimes too desperate in their despair. either it will hit you hard or it will make you feel so detached. with this one, i am rather detached. maybe it's the way the visuals unfolded, or the story was visualized, pero something in here doesn't work. i think it's the pacing. the dramatic beat of the story may have been trying to appropriate the beat of the novel or storytelling pace ni allison in general, pero parang weird. masyado yatang mabagal for cinema to have it unfold that way. or maybe it was the detachment of the characters in the portrayal of their characters. of course, typical allison themes have abused women who run from abusive men. and to note, hindi nga pala lesbian-themed ito, kahit yung BASTARD, because that one's autobiographical, kaya mas masakit panoorin. saka mas magaling acting dun. dito kasi, ewan ko ba. miscast yata lahat sila.
THANK YOU FOR SMOKING
c. aaron eckhart
based pala ito sa isang novel. it's a very interesting story and a very comic one. hinabol ko sa cine adarna at buti na lang sa big screen ko napanood kasi mas epektibo ang dating niya.
maganda ang pagkakagawa, yung stylistics ng filmmaking were utilized very well dito at marami siyang mensaheng naipalabas. at ang pinaka-importante, para sa akin, ay ang "walang black or white sa isyu ng paninigarilyo at lobbying, puro gray area lang" na alam kong alam naman ng lahat pero hindi ina-acknowledge ninuman, kahit ng mga advocates of whatever. puwedeng sabihing anti-smoking ang storya or whatnot, pero i think the story shows more than that. it shows you many sides of a controversial issue and it makes you decide on your own if you will stand in the black, the white or the gray area. kaya effective siya for me. now this is a novel i'd like to read, too, if ever i had the time. gustong-gusto ko yung concept ng barkada nila, yung mod squad or merchants of death kasi yung isa, spinner ng small arms, yung girl tomador kasi alcohol naman hehe tapos siya big tobacco. tapos later nag-expand kasama na ang big oil, loggers, weapons of mass destruction at saka iba pa. hahahaha. nakakatawa. ito dapat inii-sponsor ng mga NGO na film showing hahaha. funny.
HAIRSPRAY
c. john travolta, nikki blonsky, michelle pfeiffer, queen latifah, christopher walken and that dude in high school musical and the guy from xmen
masaya ito! this is based on the late '80s john waters film of the same title, starring ricki lake. and i know those details because i grew up watching ang loving john waters' films. sobrang campy pero happy. kaya nung lumabas ito noon, aliw ako! tapos naging broadway musical siya nung early 2000s yata, tapos happy rin yung songs, favorite ko yung "momma i'm a big girl now." tapos eto, naging movie musical na siya, kaya three times na ang happy. happy!
ang sarap sumayaw. mahilig kasi ako sa mga pelikulang may sayawan na ganito, tapos mahilig din ako sa mga vintage nostalgia americana chenes na ganito, mga 50s-60s type ba. ewan ko ba feeling ko my past life was there during that time. iyan lang yata ang aspect ng american culture na gusto ko ng sobra kasi magaganda ang designs. classic vintage, colors, the graphics. ewan ko ba, type ko tignan yung mga ganyan e. kaya trip na trip ko ang mga diner set-up na restos kasi ganyan ang interior design, like our uber-hangout before na sam's diner, sometimes dean st. cafe and now butter diner. hay...
tapos maganda yung pagkakagawa ng choreo na nag-swak sa pelikula. kaya pala ganito kasi nung nag-flash yung credit sabi e yung direktor ang gumawa rin ng choreo. na mabuti naman kesa sa yung direktor e walang ideya sa choreo tapos ifi-film lang yung mga nagkakantahan at nagsasayawan. ang chachaka nung ganun. pero eto, galeng kasi interwoven ang dance and songs sa language and grammar of film. hanep! bet ko sya!
saka cool yung kuwento kasi nito. integration of races in a racially divided america noon. plus self-image din ng teen girls. saka showbiz, or the business of entertainment. daming issues pero hindi heavyhanded ang treatment, true to the feel of the original film. kaya lang mas masaya yung noon kasi mas emphasized yung hairspray element. as in lagi talaga silang nag-ii-spray ng hairspray. na nakakatawa at nakaka-relate ako/kami noon kasi ito yung panahon na talaga namang nagtataasan din ang mga bangs at buhok ng mga babae kakagamit ng aquanet hahaha! tangina nabutas lalo ang ozone nung panahun na yun! the cobra hairdo! walangya. hahaha funny.
kaya lang medyo na-off ako sa audience nito. kasi the makers did a helluva pr job about john travolta playing the role of the obese mom. pero nung may mga tender moments sila ni christopher walken, some people just voiced their homophobic rants na naman seeing nga na dalawang lalaki talaga yang nasa screen. nakakainis! i guess the suspension of disbelief was not big on them. or talagang homophobic ang mga taong matuturingan. or both.
nonetheless, di ko na pinansin yun masyado. or at least i tried. basta i focused on enjoying the film and that's it. kaya panoorin niyo na siya sa big screen kasi mas masaya kesa sa dvd, sensurround and all.
No comments:
Post a Comment