to my students: would you rather i go abroad and work for some dumbass white supremacist dude than teach the lot of you to be creative filmmakers and advocates?
The government has allocated lower and lower subsidies to the university each year. As a consequence, the UP administration has been looking into income-generation schemes. It was only recently that Roman’s administration began actively pushing for a tuition increase, which she described as the “last step” in UP’s efforts to improve its financial viability.
“Of course [students] are opposed to it. For them, it’s a philosophical question. They’ll retain their stand, and so will we. Even in Cebu, one student said, ‘No matter how you explain, we won’t agree,’” Roman said.
read more here .
sabi sa tv news, gagamitin din ang dagdag sa tuition sa sweldo ng mga guro. alam niyo bang -- and this is to quote sir danny arao, who was similarly quoted sa inq7 artik above and who joined the protest din eysterday -- we are losing out to ateneo because the good journ practitioners daw na gusto nilang kunin e sa ateneo nagtuturo dahil mas mataas ang bayad. same with the practitioners we wanna get here to teach film.
syempre siguro gut feel ninyong lahat ay "ay, mukhang pera naman yang mga yan" pero mga lola, kung sa katiting na sweldo sa peyups ay puwedeng mabuhay ang isang pamilyang may dalawang anak or so, aba e di happy! pero ang reality, hindi. ni kami ngang mga singles society sa peyups e hikahos sa life, yung may mga pamilya pa kaya? kaya wag na kayong magtaka kung saan-saan kami nagpupupunta o kung may sandamakmak kaming raket on the side.
gaano ba talaga kababa, you ask. ganito. kung maging lecturer ako sa ateneo (2 subjs) at assumption (2 subjs) at miriam (2 subjs), mas mataas pa ang sahod ko kesa kung maging fulltime faculty ako sa peyups(4 subjs + required numerous committee work + faculty meeting work chenelyns + other required duties). mas maluwag yung freelancer kumbaga. ganito: mas mataas pa ang bayad ng entry level position sa kahit anong call center kesa sa monthly namin -- kahit may MA na kami.
so bakit ko ba dini-discuss ito? para lang din siguro makita ng mga bata na hindi ganoon kadali ang buhay namin dito bilang guro. oo, shocking talaga to jump frm 300 per unit to 1000 per unit. pero shocking din naman ang jump dati e, from 80 per unit to 300 per unit. and that was 1989 or so. yung pinsan kong 2 years ahead na european languages major e naabutan pa ang 80 per unit. tapos nung nagpang-abot kami dito, 300 per unit na sa akin. more than 300% increase din yun, di ba? pero ano nangyari? naka-survive naman tayo a. may mga indigents pa rin naman na may subsidy e. di naman mawawala yun e. saka mga incoming at not old students ang maaapektuhan so why the heck are you guys complaining?
at alam niyo ba kung gaano na tayo ka-luz bilang isang state u? e yung ibang gamit dito sa film dept e panahon ko pa buhay at di pa naa-update yung karamihan. how can this university offer you the best education if it cannot even upgrade the freaking chairs and tables sa classroom? oo, yang chairs and tables na paborito niyong i-vandalize. e kayo rin ang sumisira niyan e. tapos hihingi ng pamalit, gagalit kayo. nubah. e nyeta ni wala pa nga tayong steadicam junior samantalang nung panahon ko (early 90s) e dalawa na ang steadicam junior ng de la salle.
hay sa totoo lang kids, nalulunod na talaga sa corruption ang gubyerno. e gubyerno iskul tayo e. so talagang biktima tayo. the peyups president is just being realistic kasi alam niyang kahit maghubad at mag-tumbling siya sa harap ng committee on education chenelyn sa malakanyang at humingi ng raise habang naglalakad sa bubog at bumubuga ng apoy sa bibig, di siya papansinin. let's be realistic. alam na nating walang patutunguhan ang gubyernong kasalukuyan kasehodang humingi tayo ng increase sa educ budget, decrease sa defense budget, at justice sa human rights killings. wit. wala. nyet. nada. non. kaya kelangan na rin nating kumana ng sariling kana para mag-survive. which is what most of your teachers here are doing now. alam niyo bang nalilimas na sa profs ang european languages dept? they opt to work sa multilingual call centers. your masscom profs? they opt to work in the entertainment and media industry. your science profs? they opt to work in the labs of foreign companies. your arts and letters teachers? they opt to teach in foreign universities in korea, singapore, the US, UK, canada and australia. my good friend who is a brilliant filipino writer is now trying to apply for a canadian immigration chenes.
alam niyo, napakasarap magturo. kung masu-sustain lang kami kahit konti ng sweldo dito, masaya na talaga kaming lahat na manatili dito. kaya lang reality bites, man. we have to be realistic, too. kaya tignan niyo kung sino na lang ang naiiwan madalas sa unibersidad - yung mga titser na anak-mayaman na to begin with na di naman kayo natuturuan ng hustong "life situation" chuva dahil nga sa apart from their own rich sanctuaries, hindi na sila lumalabas sa akademya (read: square). gusto niyo ba nun? kayo...
bakit ko ba ina-angst ito? reaction lang. minsan kasi, ang daling magreklamo pero ni di niyo inaalam ang mga kuwento sa likod ng mga bagay-bagay. maaaring inaral niyo ang ilang aspeto pero di niyo tunay na gagap ang lahat ng aspeto. at eto ang ilan, ipiniprisinta ko, para malaman niyo ang tunay.
okei?
No comments:
Post a Comment