30 June 2006

tung of the orient


tama na naman ang stars.  laging ganun.

It may be unclear as to how much emphasis you should place on your feelings now, for they could interfere with your goals. But the truth is that you may have also grown unsure of your long-range plans. Focus less on your destination and more on being in the present moment. Your clarity will return in a few days

di ba?

sa dalawa ba namang orientation na in-attend-an ko this week, talagang mapapaisip ka sa gusto mong tahakin in the long run. academe or mainstream? that is the question. whether 'tis nobler in the minds to suffer the slings and arrows of outrageous fortune... or something to that effect.

kung kailan naman ako naprente na sa academe at inisip na tahakin ang simple at tahimik na buhay sa loob ng kaalaman at karunungan... bigla akong kakalabitin ng pamilyar na hatak ng mainstream media at ise-seduce ako ng magandang posisyon at magandang bayad, tulad ng dati. ilang beses nang nangyari ito sa akin. bakit kaya?

at eto na naman siya... hay.

bahala na si batman sa mga susunod na mangyayari. basta masaya pa ko at nakakahinga, ayos lang. yun naman ang importante e.

*

orientation ng gma7 kanina for new hirees. okay naman, insightful. unduly attention nga lang from howie severino who turned out to be the training officer of the network. nakilala niya ko from way back in 2001 when we first met sa probe media foundation's mekong workshop. nabuko tuloy ang writing life ko hehe. anyway ayos lang yun. very flattering in a way.

nakakatuwang makinig sa starting out stories ng network. sobrang iba talaga ang kultura dito at sa kabila. tama pa rin ang gut feel -- wala talagang inherent yabang sa mga tao dito ulike sa kabila. kaya nga nung nag-work ako sa abscbn foundation writing children's show scripts, talagang nagulat ako sa mga tao doon. sabi ko nga "talaga bang taga-dos kayo?" kasi iba ang kultura...that is, until i met the creative panel committee ek that sentences our scripts.  andun ang mga epal. and then it dawned on us, "ay, dos nga ito." hehe.

unassuming. that's the word for these kapuso peeps. sobrang down to earth lang. yun nga yung ek nila kanina e. sabi nga nila, baka di namin nakikilala yung mga bosing na nakakasalubong na pala sa corridor o elevator. true enough, the head honcho of news and public affairs is like that. unlike sa kabila na pag lumakad sila, kahit around the cubicles lang sa newsroom, kala mo may santa cruzan at sila ang reyna elena sa pag-project. i kid you not. syempre former boss ko ang isa sa kanila no hehe...

ah finally pala, nakilala ko si ederic in person. he's with the research team pala. hehe.  after all these years, chong! nakita ko din fez mo! maganda nga yung quicksearch. nagamit ko na yun dati. kewl.

*

kahapon naman, orientation ng diliman new faculty hirees. as if new ako, pero walang ganyan last year so go ako at si mon at patrick.  kami lang naman e. well, patrick is this year lang while mon and me last year pa.

interesting naman although i almost missed it. i woke up late and when i arrived, the chancellor was giving his shpluk. di ko nakita yung ibang masscomm profs until lunchtime.  masaya naman when i did. pinky of broadcomm agreed with my comment sa open forum. the chancellor talked about the camps policies regarding sexual harassment and of course, having this kind of experience recently (see older posts), i asked my question. so much emphasis was given on whether faculty are the ones doing the harassment. i asked the chancellor what if it was the other way around? vice prez for community affairs who's a lawyer commented na it's just the same so if anybody receives harassment from a student, we can file a case.

T I N G !

the lightbulb was turned on in my mind, so let's see. not another harassment suit! just a few weeks ago, a writer friend of mine made hain her case against this pervert prof. tricky sa akin kasi nga, like i told mon, i have an admin position. lest i be accused of powerplay/powertripping (familiar plot pattern? hello DISCLOSURE ikaw ba yan? di ko feel na demi moore akesh). sabi nga ni mon, "sino ba yan? upakan na lang natin."  hahahah. sweet mon. yan ang chokaran! go astro!

pero hindi na. it's just a waste of time and energy. i believe in karmic retribution and the cosmos hasn't failed me yet in this aspect. so all i have to do is sit and do nothing... and let nature take its course. and be gorgeous while doing that. :P

*

well, all i can say now is that i have a good balance of both (methinks!0!. although advise nga ng friend ko na suffer ang lovelife sa ganito (dahil binabalak ko pang mag-MA thesis this year, hello ako di ba? kalbaryo thy name is bayli), hmmm, napapaisip tuloy ako... suffer na nga ever e, kaya let go na lang daw of one. hmmmm, but which?

abangan.

No comments:

Post a Comment