29 March 2006

inter/di-section(ing)/s


just a little before i turn in....into a...tantananannnnnnnnnn....

don't mind me. nababaliw na naman ako. after finishing my term paper for my freaking MA penalty class (yung film subject) hours ago, nagliliwaliw lang ulit ako sa cyberspace kasi alone ako dito sa haus.. da usual reason. nyeta, kayo kaya sumubok ipag-intersect ang third world cinema at ang new/post queer cinema at isentro sa lesbian images in phil. cinema, haaaay kabaliwan galore...pero nagawa ko! hehe. with a touch of.. magic. ayuz!

hinayang lang ako dun sa creative writing class ko kasi di talaga kaya ng powers ko na tapusin ang young adult lit novel ko. ayoko namang madaliin dahil mababalaj iyon at wit ko type. bet ko pa naman super ang story kaya i really wanna let that unfurl. so oks lang ang inc, basta before april, submit ko na. hindi naman ako greyd consyus e hehe. i'm after the output. output-oriented pa rin ako, sa trabaho pati sa aral. aba dapat lang!

anyway, just wanted to mention a current high: about this film.



and i so like it because of this comment of a reviewer sa aking favorite reading site:

This is a big budget action film aimed at the widest possible audience, and a lesbian love story stands right in the heart of it. A lesbian's strength and courage inspires a man to start a revolution, and another woman to finish it.

BET!!!! na-swak nya ang gusto kong sabihin. hmmm pag nagkapanahon, susulat ako ng review rin. e yung brokeback nga hanggang ngayon naka-tengga pa eh... haaaaay. sino bang nagsabing bentekwatro oras lang kasi ang isang araw!!!

kasi kasi, busy-busyhan ang drama. sumali din kasi ako sa show na ito. saka na ang kwentong mahaba. until mapanood ko ang episode this coming saturday april 1 10am channel7, di ko pa tunay na mararamdaman na.. kapuso na ako hehe. :P

kaya nood na lang kayo.

anyweys, gusto ko ring batiin ang long overdue na pagsali ng aking preynd na si kerol sa blogosphere sa pamamagitan ng kanyang pop feminism blog. go girl! matagal mo na dapat pinamamahagi ang iyong mga muni-muni sa madlang pipol! kung di ka pa napasali sa isang blogging and podcasting seminar... hehe. uy turuan mo ko magpodcast ha hehe :P

hay miss ko nang manood ng live music gigs. kelan ba ulit tugtog? hm.

up next: checking of full-length scripts! bakit kaya ang daming nag-inc ngayon? hm.

a small ek about the past thesis defense: daming gagandang works this sem. bet na bet ko ang dalawang films dun. as in film, 16mm and 35mm, grabe biased pa rin ako sa film look na tunay, dedma sa 24p. pero anyway, labs ko ang almost all of my thesis defense advisees. they did well, and i'm proud of them kiddies. pasaway nga lang minsan pero sige na rin. ganyan talaga ang life.

hay grabeh. hindi yata matutuloy ang binabalak kong beach getaway... pero di bale na. tignan natin ang life bago magsalita ng tapos...

sige tulog muna ko. akala kasi ng ninang ko di na ko natutulog hehe. zzzzzzzzz
 

No comments :

Post a Comment