18 August 2005

bada-bing bada-boom

while checking my twenty thousand emails from my ten thousand email accounts (yah, i can spend the whole friggin' day just checking email, pramis), napalingon ako sa tv kasi i just turn it on sa either mtv or myx music channels whenever i'm alone and working here sa kompyuter. napalingon ako dahil tumugtog ang theme song ng SOMEWHERE IN TIME (wah, we miss you christopher reeve! r.i.p.). si maksim pala, may-i-emote while playing the piano. with that harsh front key light and no back light illuminating the dude, at nung nakayuko siya, super mega deadringer siya ni brian kinney of QUEER AS FOLK! as in, pramis. kaya nga nag-double take ako sa pagtingin. di pala si gale harold. wotevah.

and while checking my fifteen thousandth email earlier, a familiar tune played. "hand in my pocket" by lola alanis, this time done the paolo santos way. akustik? eh ang tagal na nyang may live version nun noh. what's so diff about this one is that she came out recently pala with an acoustic version of her JAGGED LITTLE PILL album. hm. the quintessential alanis sound, for me, ended with her MTV UNPLUGGED album that produced two of my all-time alanis favorite songs: "no pressure over cappuccino" and "princes familiar" which didn't apear in any of the later albums (methinks, kasi after UNDER RUG SWEPT, i haven't been paying much attention to her. kasi naman e. maglabas ba naman ng carrier single na "hands clean" which sounded more like a paean to an underage lover she once had na younger than her who grew older at ngayon lang nya na-address ang issues that plagued their relasyon. or am i overreading? listen to the wordssssss!!!). kung di ko pa nadaanan yung standee sa sm north, di ko malalaman... as if i cared na noh. not anymore, i guess. or not that much...

well, i guess, like our musical influences, we move on, progress, grow old. hay, hard to swallow but easy to see. jagged little pill indeed. no wrinkles for me yet pero... wala lang. sometimes i feel old inside. inside, ha. pero napapagkamalan pa kong tinedyer sa dvd sellers sa poquiaps ha, i swear! haha. and this happened when i was buying such oldies as OKTOBER by sergei eisentstein, ROPE by alfred hitchcock, M by fritz lang and other classics... hehe.

but wait!!! what's this playing??? "ang huling el bimbo" ba ito????????? who in their right mind would remake that video, much less that song??????????? sacrilege! nakita na kaya ito ni aureus?? pare, first mtv video awardee ng 'pinas ang na-dis dito ha. sabi nga ni reese in pink sa LEGALLY BLONDE, i object!

punyeta pag nasa mtv, ang naririnig/nasisilayan ko lagi ay ang neverending sexual longings/fantasies ng mga hiphoppers at love eks ng mga emo bands. sa myx naman, mga opm remakes ever!!!!!!!!! ubus na ba ang chords sa gitara't piano kaya di na sila makapag-compose ng BAGONG KANTA????????????????? pero pag may bago naman, naman naman to death ang airplay! utang na loob ayoko nang marinig ang hale na yan. plis lang.

ay have i digressed? dami napuntahan nun a. heniwey...

gusto ko sana mang-okray ng film school pero 'wag na lang hehe. karma aabutin ko nito e. wala lang. naiinis lang ako sa mga photo exhibits na dinadaan sa titles ang photos na mejo laos sa konsepto... but that's just me. anyway, isa lang masasabi ko: buti na lang hindi 25,000 pesos ang tuition sa peyups. per sem. or year. hehe taray ko. :P

speaking of photos... dami ko bago pero next time na lang. kelangan pa i-resize before i-upload eh.

hay nakuh. so much hooplah about THE GREAT RAID. papanoorin ko ba to? naaalala ko kasi ang mga cesar montano episodes namin sa premiere way back tuwing nakikita ko fez nya eh... kaya gusto ko boykotin hehe. but that's another story. ewan. yoko lang na hype na 'hollywood actor' na sya, punyeta tigilan nyo nga ko! hollywood ka jan. kairita.

hm totoo bang walang pasok sa lunes? ninoy aquino day? how trueness itich??? wala pa ko makita sa news. narinig ko lang kay 'meng. kasi wala kami pasok sa friday, quezon day. yehei! mas natutuwa pa ata ako kesa sa mga estudyante ko na walang pasok eh. hehe. last week sa friday scriptwriting class ko, as i was shpluking the skeds, sabi nila, mam wala pasok next friday. sabi ko, baket? sabi nila, quezon day. sabi ko, talaga toto yan yeheyyyyyyy. shock faces ang reaction shot nila hahahahahaha. bakit bah? e natutuwa ako sa holiday eh. hm kelan ba ang next? nuninuninu...

napanood niyo na yung CHARLIE AND THE CHOCOLATE FACTORY? nalimutan ko na yung libro pero vivid pa rin yung gene wilder-starrer noon kung saan nasa soundtrack niya yung "pure imagination" song. hm. i love tim burton pero his willy wonka looks like the salamat-po-happy-therapy-prozac-ized version ni edward scissorhands. pramis. is it me or is it johnny depp? ewan. basta feel ko lang yun. i was half-expecting winona ryder to come out in a lumen-surf-white fairy costume somewhere sa grassland ng factory...habang nag-i-isnow. lam mo yun? ewan. i've watched too many movies, is all, methinks.

*

anubatoh nyeta not another fucking song remake!!!!!!!!! dapat ang label "first seen on myx, nth heard years ago" kainis. teka lipat ko nga muna sa mtv.

hay nakuh misogynistic rappers na naman! yoko nah!!!

*

uy nabuhay si viktoria? at ang alamid! the freaking '90s are back, man. i swear. kagabi naman, true faith was on mtv's right to royalty concert. early '90s, to be exact.

*

my vet friend named a kittie logan na as promised. kewl! hehe. yehei!

*

ngyak. it's that jennifer lopez video with the ten thousand j.los ak-ting. wow. and shades of her first vid din itich ah. ay... remake din ang visuals?

No comments:

Post a Comment