19 August 2010

FEMME-atay talaga!

Tomorrow, Friday, is another fun day/early evening as we discuss more than just femme fatales on film but STRONG FEMALES ON FILM in our Friday night favorite habit, CINE CHICHIRYA radio show.

Siyempre sino pa writer nito kundi ang lola niyo hehe. Dapat talaga, ang naisip kong topic this week ay Pageant Films para in tune sa parating na Miss Universe pageant next week sa Las Vegas. But no, bigla akong tinamad sa konsepto, at naalalang di ko pa nga pala nasisipat ang bagong pelikula ni Angelina Jolie my love, so ayan. Baka bulabugin na naman niya ako sa panaginip ko e, so kelangang umaksyon hehe. Siya rin ang side dish sa show bukas, particularly ang SALT. Kebs muna kay Bb. Pilipinas-Universe Venus Raj. When Angelina beckons, laglag lahat, teh, like, you know. At diyusme, gudlak na lang din kay Venus ha; nakita niyo na ba ang ibang Latin American contestants??? As usual, mga ganju fatale ang mga latina girlash. But I digress...

Winner ang image collage na gawa ng co-host superfriend kong si X.


Wala ka sa Pinas? Keri lang. May live streaming sa website ng DILC ang radio show. Check out the show's blog to see the link. Or ayan sa kaliwa, click mo na rin. As usual, the usual suspects na naman ang mga co-hosts ko dito hehe.

O, chicha na bukas ha. Chomp!

But wait, there's more!

Labas na pala ang latest POC article ko, of course mentioning Angelina's bisexual mystique naman and other lesbian chic-ness in media. Read about it here. At least the Pinoy LGBT channel survived the revamp hehe.

Ayan, ang saya, di ba? Sige, sisipatin ko na ang SALT at sasabihin ko na rin kapag out na.

O siya, goodnight.


1 comment :

  1. I agree. Pag si angelina ang tumawag, laglag lahat. Kahit bading ka.

    http://ficklecattle.blogspot.com/

    ReplyDelete