24 January 2010
archiving, gadget dyke-ing and tomato salad-ing
new posts are up. i began archiving the last two months' worth of columns ko for Manila Times sa new Silid-Aklatan leaflens horcrux blog heheh. meron ding latest post sa Karinderya ni Leaflens horcrux featuring my experimental gourmet tinkering featuring the french tomato and egg salad chorva i occasionally prepare. 'yan kasi ang kinain ko kanina. may recipe dun hehe try niyo.
para ngang nagkaroon ng maraming horcrux ang leaflens, aney? if you're not familiar, a horcrux is what voldemort did to his soul sa harry potter - tore them up to like 7 pieces yata if i remember and stored them in different items. remember "HP and the Chamber of Secrets?" ang isang horcrux niya ay yung diary ni tom riddle na nakuha ni ginny weasley sa book na ito. tapos dun sa huling film na The Half-Blood Prince, ito yung nilakbay nina harry at dumbledore sa may dagat-dagatang factor na locket ek. more of the horcruxes in the last book, The Deathly Hallows, which i just finished reading via ebook mga 2 weeks ago yata. can't wait for this film, although irita ako kasi yung chakang director na naman ang magdidirek. oh well...
kaya ayan, inspired ako sa horcruxes heheh.
speaking of ebooks, grabe at naaadik ako sa procurement ng mga ito hehe. ever since i decided to upgrade my cellphone into a smartphone, winner na winner na ako dito. pampatulog ko ito e, kasi di mo kelangan ng ilaw o lamp para magbasa. my new cellphone is a palm treo pro na nabili ko sa ebay. US-made at para rin siyang blackberry pero cheaper and way better ang design kesa dun sa nokia e71 series na muntikan ko na ring bilhin. at dahil windows mobile ang platform niya, marami ka ring puwedeng ma-install na software, tapos may micro sd card slot pa, at sa binili kong 8gig card, aba e buhay na tayo sa storage niyan hehe. hay umiral na naman ang pagka-gadget dyke ko hehe.
tapos my superfriend xe taught me to download this ebook reader software called mobipocket, which converts any kind of files into the mobi format *.prc yata if i'm not mistaken. so if you download msword versions of ebooks or kahit text o notepad lang and lalo na pdf, you convert it into mobi to enjoy reading it. grabe panalo talaga ito. kahit nakapila ako sa bank, nasa jeep o fx, basta di magulo ang kapaligiran, puwede ako sumaglit na magbasa hehe. ayuz.
xe even bluetoothed to me (talagang ginawa siyang verb aney? bluetoothed hehe) some contemporary titles, kasi nga puro classics ang dina-download ko (kasi safer, part of the public domain na kasi) pero may nakikita rin nga kasi kaming new titles na libre, di mo bibilhin. he just gave me the complete anne rice vampire novels and i'm excited to start that as soon as i finish this kinda sucky paulo coelho biographical novel he wrote, the pilgrimage. nasimulan na e, so tapusin na lang. basta ang dami pang titles. grabe tuma-tumbling talaga ako sa teknolohiyang ito hehe. super-enjoy siya ha.
oh well. o siya, yan na muna.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment