puwede na bang mag-chant ng:
no more classes
no more books
no more *students*
dirty looks
keeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee-rowk!
no more books
no more *students*
dirty looks
keeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee-rowk!
hihihi :P
o, alam mo kung saan galing yan? :) hehe syempre iniba ko lang yung isang word.
*
the semestral Film 200 thesis defense went well yesterday. no serious bloodshed, no egotistical blurt-outs (from both sides), and lots of camaraderie (and hugging!) before, during and especially after the sessions. times like these lang kasi nagkakasalamuha ng bonggang-bongga na opisyal-pero-di-talaga-formal-feel-dahil-cool-ang-upfi-faculty ang mga repapiks sa upfi.
saya! except for doc nic who went to the hospital for check-ups (shyet dami rin namin nagkasakit before the event, lalo na ko!), everyone, as in everyone lang talaga ha, was in attendance. ayuz!
hay. well, actually, sick pa rin ako ng onti during the defense pero siyempre kelangang i-go ng powerz ko ang umapir sa peyups for this shebangzhu, dahil ito ang main event ng aking pinangangalagaang division. if only for ate doray's kitchen treats during lunchtime hihihi. yes, aside from films, we film faculty lurrrv food! so happy yun hihi :)
isa-isa na namang kumekeri ang requirements. kakatapos lang ng Film 10 finals viewing last tuesday and let me say, impressed ako sa turnout ng batch na itey ha. sayang, yung iba puwedeng pang-centennial film contest sana kung umabot. so peeps, kung nais niyong mag-shift sa film heheh, you are welcome to be pirated hihihi. may promising sa kanila, at nakakatuwa dahil may drive. yun ang panalong combi ng film student: drive and promise. tulad ng nangyari sa batch namin dati, na 98 percent e shiftees (at kami yung magagaling hihihi yabang ko!) at yung 2 percent na orig e, heheh, wala, orig. hahahaha! peace mga chokaran! hehe :P
umaga na, maulan, kakagising ko lang, galing lagnat, kulang pa sa kape, so pagbigyan niyo na lola niyo. hehehe.
yung Film 112 na dapat e nung wed e talagang di na kinaya ng powerz ko kaya memya kami magtutuos lahat. let's see the turnout.
Film 121 naman turned in their scripts na last week pa, on time. well, except for one na parang nahuli kong leyt! hehe. pero bet na rin. buti na lang at konti lang students dito, nag-drop pa yung isa. konti lang chechekan ko. di na naman ako papalayasin sa starbuko dahil magsasara na sila at nagchechek pa ko ng paperz.
buti na lang din pala isa lang thesis advisee ko, kundi bubunuin pa namin ang written part ng thesis, na haggard din. wah. confident naman ako sa kanya na kekerihin niya yun. ayuz.
*
and in other news na good, bumalik na si tita dolly, ang aming admin finance guru sa fi! wheeee! she had cancer kasi at nagpa-treatment siya, but she bounced back, strongwilled woman that she is, kinaya ng powerz niya. yehey! papa-welcome back luncheon kami for her. yes, minsan, fair si lord.
o sha, kape muna.
No comments:
Post a Comment