puwede na ba ko matulog ng mahimbing at mahaba-haba? hay, puwede na ulit...
kakatapos lang kaninang tanghali ng cinemalaya film congress kung saan kami nauto este nautusan este naimbitahang maging rapporteur this year. since yesterday kami andun. i orchestrated it na upfi junior faculty na ang bahala dito, meaning me, avie, cenon and patrick who has already done this last year. after all, upfi is one of the key institutions that make cinemalaya happen every year. why not magbibo kami this year. hm. experiencing cinemalaya naman this year from this side, the other side. the first one kasi, wala, biktima kami ng...hahaha inuman na lang tayo, kuwento ko senyo.
akala mo kung ano'ng sosyal na term, "rapporteur" na napaka-united nations lang ng dating, hane? sosyal na term lang siya for "aliping tagasulat ng minutes ng 2-hour panel" hehehe. i would like to thank isis international manila for forcing us to learn how to take down minutes of not so minute meetings at nadagdagan ako ng extra clerical expertise na puede palang maging tiket sa ibang larangan ng kasikatan mwehehehehe. chos. sorry sensya na puyat e...
natawa lang ako dahil ang dakilang ko-propesor roland tolentino e pinagmasdan pala ang aking typing skills. ang bilis ko daw mag-type pala! sabi ko, "e magic fingerz ito eh..." sabay tawa kami in a secretly queer way hihihihihi. chika! naloka ako sa komentong ito.
saw lots of faces i want to see and some i didn't want to see. remind me again why i need to attend these things? oh yeah, circulate. at least there were friends here i really wanted to see. ayoko lang ng mga blast from the past, lalo na ng heterosexual past. bastah.
also heard lots of things new and not so new in the congress panel discussions. remind me again why i never attended these sessions in the past? ah, it's because i've heard it all before, and some i've heard yung behind the scene stories which are more accurate. some were obviously trying to correct misinfo and some were refuting others din. FRENEMIES! hahahahaha kakaiba. hay. nakakatuwa. nasa showbiz pa rin nga pala ako. i keep forgetting. 15 years, pare, 15 years na ko dito. new clothes, same people. old mafia? hay, ask the filmmakers...
point: indie is the new mainstream. discuss.
anyway, we stuck around until sir nic tiongson's book launch of the nice resource book THE CINEMA OF MANUEL CONDE this afternoon. panalo ang guest list! saw old bosses at premiere productions, miss dee who was mr shooli's classmate nga pala in grade school, and also ms boots na mukha pa ring virgin mary like what we used to call her. ang dami ring old artistas na nalipasan na ng panahon na nahirapan kami ni kuya patrick na i-identify hehehe. shet patay ako kay dakilang sir hammy sotto, wherever he is... mga beterano ng pelikulang pilipino, mga dakila. sayang at di na sila kilala ngayon...
hay. tapos salamat kay ate berinice ng cmc admin, ride kami sa van pabalik peyups like yesterday. despite the espanya maynila baha nung papunta kaninang umaga! ay grabe lang ati.
pictures at the pitik section (at multiply).
tulog na ko. sa wakas! balik na lang kami sa weekend for the marathon movie watching. slumming at ccp to catch the films. quality filipino films. indie man daw at magaling (ang gumawa), filipino pa rin! hehehe. ewan.
kahit anu pa man ang nasabi na sa kanya, namamatay man siya o naghihingalo o pangit o mababa sa kalibre ng banyagang hollywood, mahal ko pa rin ang industriya ng at pelikulang pilipino. sa totoo lang. ngayon, nasaan ang libreng festival pass when you need it? hm.
plug ko lang: nood kayo ng film ng friendsheeps: MY FAKE AMERICAN ACCENT by fafa ned 3fish (trespeces) and onnah valera tungkol sa buhay call center. yey! see you two sa friday! :)
nood din kayo ng first full-length film ng ex-student kong si maikel cardoz, RANCHERO. maganda ang premise, about cooks in prison. watch! will do on the weekend.
relax go see a movie. now nah!
No comments:
Post a Comment