13 February 2008

sanga-sanga sa daan


actually, it's more like baradong daan. i found myself going down the jeep ride home to walk. as in, from provident vill to the bayan area where i live. pramis. but it's just a short walk for me, kasi sanay na ko sa walks lately, thanks to my renewed workout sked sa sports center at sa gym nearby.

trapik kasi ng sobrang hinayupak. as in, nagsalubong na ang mga sasakyan. sanga-sanga na nga ang lanes. ang reason: may shoot daw sa may marikina bridge. not sure lang kung film o tv, pero sabi ng miron andun daw si robin padilla. tangna. kaya lesson here students: ayusing mabuti ang coordination with local authorities kapag may shoot, para walang cause ng traffic. dapat yata ilagay yan sa lessons ng lahat ng production classes. hay... kaninong kasalanan yang trapik? sa PM? hay...

naalala ko tuloy yung isang kwento ni...forgot...about shooting in new york. na sa sobrang sanay na ng mga tao sa film shoots sa kalye dun, all you have to do is go to the nyfilm commission's office to get permits and they will be the ones to reroute traffic lang to follow your shoot sked location at no hassle sa motorists o pedestrians. tapos yung mga tao, lakad lakad lang na dedma kahit mag-roll ka na. panalo di ba? at professional. dito, kanina, ang una atang nanonood e yung taga-trapik dapat. kainis. gusto ko ngang batukan nung dumaan ako, kasi sobrang luwag lang sa bridge paglampas sa location shoot. buset.

*

di lang daan ang sanga-sanga tonight. utak ko rin. in anticipation lang siguro sa paghahalo ng balat sa tatalupan soon. as in, talagang may tatalupan ng buhay somewhere soon... shit hits the fan ito. i can't wait to see when it happens. and of course, i'll make it happen, man. hehe. la vendetta mode ito e bakit ba. ako si jean garcia. chos.

ang warfreak ko. pero kasi, this is war. whatever form of discrimination thrown towards me, be it with a sexist or homophobic venom, kelangang labanan. the antidote of conservative attacks is knowing your rights and wielding them as shields.

basta. abangan. abangan kung sino dapat ang ipinapako sa krus. hindi dapat si kristo kasi e. let him walk, man. let him walk.

like i said, wake up and smell the centennial.

*

kakagaling ko kasi sa preview ng OROSMAN AT ZAFIRA kaya ako ginabi. slight sanga-sanga ang thoughts ko sa play cum musicale na itey. based sa classic text ni balagtas of course, kaya i love the lyricism of the lines. classic talaga magsulat ang lolo mo.

yun nga lang... ewan. gawan ko ba ng review? parang di ko trip e. di ko masyado naging bet yung direction kasi, saka yung story handling. i know the text is difficult, pero bakit si shakespeare nagagawan ng paraan, inggles man o isinalin (mostly ni rolando tinio noon)? i am lost. as in, la-lost ako sa pagsunod ng naratibo. what happened to that dramaturgy team? hm, strange.

pinanood ko lang ito dahil sa colleage namin sa upfi ang gumawa ng original music, si carol. oks naman. neo-ethnic music sabi sa pr. hm, yun na pala ang tawag dun. magaling ang ensemble sa music. reliable naman sa sangay na ito ang lola mong iyon. pero ang nag-standout sa akin dito ay yung nag-portray ng zafira. si cris villongco ba yun? yung apo nina armida ito, right? coincidence, ang tito niya ay magtuturo sa institute next sem hihihi at super happy ako na napapayag namin siyang magturo. pero secret muna itey. kunwari. charot.

grabe i like the way this girl acted out the part. as in, she sings and acts and emotes from the gut, the skin, the heart, and her energy emanates from her center, yung mula sa solar plexus baga. and she releases it and you feel it. galeng, lalo na yung may emote iyak parts chenes tapos okay din siyang mag-movement dance chenes na choreo ni dexter santos. man, she is good! super! kaya dedma na sa ibang uninspired performances, mostly ng ilang menchu sa cast, at sa weird story handling. see it if only for her. bet siya pramis grabe.

hm, mukhang madaming magagaling na actors ang lumalabas lately sa teatro a. that's good naman. kaka-miss din manood ng maraming stage performances. although parang ayoko nang manood ng isang play sa guerrero kapag preview lang. unang dress tech performance pala yun, kaya libre for peyups faculty. next time, we catch the gala or regular runs na lang. i don't mind paying for theater tickets.

last note pala sa orosman. si tuxqs ang nag-pd. i like his attack. post-apocalyptic indigenous neo-ethnic. pramis, ganyan ang feel ng costumes at pd! katsa meets mesh stockings with a lotta bamboo and walis tingting. sankapa! you gotta see it to believe it. ilao battala lights yet again. i always like his work anyway. i like what they both did to the large convex dome thingie na nagiging moon tapos nagiging sun, na movable sa backdrop. da best. gusto ko ng ganun sa bahay hehe.

*

tuwa lang ako sa class ko kanina. at least itong batch na ito ay di nawala sa landas sa pagrereport ng topic nila. unlike last sems na biglang itatanong pa sa akin in the middle of their reports "tama ba, mam?" abah, isa lang sagot ko riyan "ewan ko. dapat alam mo yan." kainis lang yung ganun minsan, tatanungin ka kung tama ang report nila. kaya nga sila pinagrereport e. para matuto naman sila sa sarili nila, at ma-share nila ang info sa peers nila.

i remember dati pa, may nag-report tungkol sa censorship at mtrcb sa isang class. kada banggit niya ng data, isusunod niya ang "um, di ko alam bat naging ganyan, basta yun na." buset. gusto kong isigaw, nag-report ka pa! tangna talagang level ng katamaran ng iba minsan. minsan iniisip ko, sayang naman pang-tuition nila. dapat ibigay nila sa mas deserving but poorer student na mas may drive matuto kesa sa kanila. ang dami kong ganitong students kasi lately e. ewan.

wake up and smell the tuition fee increase.

*

kakatuwa lang. nagsasanga muli ang daan ng mga former UP Sappho peeps. like last friday, at the lunduyan launch, nagulat ako when i saw charm, our baby dyke before sa sappho circa 1998. as in super baby. pero now, lady of the world na ang lola mo. she bloomed. i'm so happy for her. kala ko asa US siya pero she's here pala now. great to see you, charm.

another future date i'll be having is with another friend, celia, na nag-base sa KL last year. nakasalubong ko sa ym, at chika kami when she gets back here. dami daw kwento ng lola. update update ng life ulit. kia i also bumped into online, although short lang kasi patulog na ko nun.

*

may isa pa dapat akong update-an session tonight but my ka-date flaked out on me hehehe. parinig! charot. wala, chichika ko sana ang isang dear friend about some friends na nag-traydor sa amin at one point in our lives or so. kumbaga, reap the la vendetta mode ko na ito, ikukuwento ko lang sa kanya hehehe. la lang...

*

for those who think na nag-generalize ako sa inyo when i left the show, it wasn't really so. alam niyo ang common denominator nating lahat, and i'm not mad at you guys. not even remotely. so peace peace tayo, lalo na ngayon na wala na ang source of all evil sa lugar na iyan. dibala?

amen to that.

*

dami ba cryptic? ganyan talaga ang life, lalo na pag gusto mong gawing libel-free ang publication. hey, i know my ethics man, unlike some people we know out there...na kelangan pang i-validate ang existence nila by glorifying themselves in minute ways. kawawang mga nilalang...sana makapiling niyo na si lord, soon.


*

ayan na, sanga-sanga na rin ang tingin ko. sign off na.

later.

No comments :

Post a Comment