17 September 2007

dahil hindi na ko makapaghintay...

...chichichiryahin ko na itong bagong pelikula ni jodie foster my love.

yes, my love, dahil ang tagal ko nang itinakwil ang debosyon ko sa kanya mula nang mapag-trip-an niyang maging mas action star-ish (FLIGHT PLAN, PANIC ROOM) o kaya'y dekorasyon sa mga pelikulang kelangan ng pag-aayos ng kwento (THE INSIDE MAN, DANGEROUS LIVES OF ALTAR BOYS). pero mula pa noong bagu-bago pa lang ang internet sa buhay ko e nauna na ang debosyon ko kay jodie nang masilayan ko sa sinehan ang kagalingan niya bilang aktor (THE ACCUSED, SILENCE OF THE LAMBS, NELL, CONTACT) at minsan din ay direktor (LITTLE MAN TATE, HOME FOR THE HOLIDAYS) kahit sa sige na nga, magaling siyang umarteng hetero kahit ang ka-akting niya ay banban (SOMMERSBY) o sobrang bilib sa sarili (MAVERICK) pero alam naman naming lahat na ang tawag niya sa co-parent ng kanyang mga anak ay partner at matagal nang inaabangan ng sangkalesbyanahan ang kanyang pag-amin na siya ang aming numero unong diyosa. :)

but i digress. let's go to this film.


THE BRAVE ONE
d. neil jordan
dop. philippe rousselot
c. jodie foster

it's been a while since i've seen a neil jordan film. i like the way he directs because he knows how to visualize a well-written material. he knows how to communicate with his production people, his dop most especially, and the actors of course, that's why he could get the most out of all of them and make one great concoction that is so meaty, refreshing, satisfying, and thought-provoking. similar examples are THE CRYING GAME and INTERVIEW WITH A VAMPIRE.

hm, is it strange or is there a lot of homoeroticism going on in the characters of these two films? so it might not be a wonder if jodie herself appears so freakingly dykey butchy here in the film, which made me -- and i'm sure a host of other jodie-devoted dykes out there -- fall in love with her anew.

and fall is right. because finally, after years of hibernation, jodie emerges with a film that befits her stature as a great thespian. finally, good material for jodie! at eto na nga yun.

the story is good. she plays erica, a talk radio host who ruminates on the essence of new york city and its streets chever. she even records sounds of the city. at ang ganda kasi it's been ages din since i saw a film focus on sounds as life ek. at okay ito. tapos maganda rin ang discussion na "why don't my hands shake" chever na na-feel niya when she makes killings with her 9mm automatic gun. boy, would i want to do that din, no? kaya i'm sure daming babaeng relate dito kaya nga sabi niya regarding the many outraged women out there e marami kami out there. at tama siya doon. hundreds, if not thousands of women are harassed, abused or downright killed just because they/we are seen as weaker than men. kaya when she makes killings vigilante style, men, sarap lang ng feeling kahit visceral lang. as in. well, not really. kasi ako i also target shoot as a hobby before (rifle, not pistol) , pero not anymore, since i got my glasses. at saka wala akong tinamaan na tao. although i really wish... some people...

natatawa lang ako kasi iba talaga ang nakikita ko sa pelikulang ito. o masyado bang purple-colored ang lenses ko? pero kasi naman ati, sobrang dykey lang talaga ng hitsura ng lola jodie dito eh. from the simple colored shirts to the straight cut jeans and the fitting jackets, especially the leather ones! ang simple pero ang cool! and ang lesbian! hahahahaha. and the way she walks din. postura baga. sometimes she's so andro, sometimes she's so butchy, soft butchy nga lang, the kind i'll make patol to hahaha and the kind i have been accused/labeled from time to time. hahahaha. hay...

nakakaaliw lang din isipin na ang galing niyang i-shake off ang kanyang clarice sterling fbi agent training of holding a gun at kaya niyang palabasin ang first time gun holder chever dito. winner!

winner din ang support cast, from mary steenburgen to that detective dude. okay rin yung interracial ek na ang fiance niya ay isang indian national. cool.

saka hindi mo iintindihin ang haba ng film. 2 hours lang siya pero hindi siya mahaba. maganda kasi ang storytelling pace, plus i also like to look at how rousselot, one of my favorite dops of all time, lights the scene. siya rin ang nag-ilaw sa INTERVIEW and other films i also visually love like CHARLIE AND THE CHOCOLATE FACTORY, LA REINE MARGOT (with another of my loves, isabelle adjani), CONSTANTINE and HENRY AND JUNE.

gusto ko rin yung discussion na you become someone else when something tragic or traumatic happens to you. tama siya doon. kaya maganda yung characterization because it's real and it's honest. and most important of all, it's valid. kasi tama, you never go back to who you are after you experience something traumatic, lalo na sa mga babae, be it as "simple" as being mugged or maholdap ka sa fx, ma-harass ng isang manyak, as emotionally complicated as experiencing the death of a loved one (relative, parent, friend, sibling) or having your heart broken for the first, second or nth time, or worse, being molested or raped. no, my dears, you never go back to who you once were. tama yung film, you become someone else, and most often, that someone is indeed a stranger. like how many of you out there feel that you don't know yourselves anymore after such a traumatic experience? think about it.

that's what i like about this film. kahit simple lang kung titignan ang string of events, marami siyang insights na papag-isipin ka deep down. kaya keri ko siya.

o bilis, nood na! dapat big screen. sayang dop ni rousselot kapag sa dvd lang pinanood ito!


No comments :

Post a Comment