...tell me what you want, what you really, really want...
i wanna...i wanna...i wanna...i wanna...
wa. wa na.
wa nang papanoorin. kakatapos ko lang i-marathon ang CINEMALAYA 2007 sa peyups. kung sino man ang gumawa ng simple animation teaser ng UP Cineastes na may cinemalaya vinta boat at si oble na tumatakbo at ang cine adarna na lumilipad, award ito ati! i'm so proud of you guys. very creative.
sorry i can't say the same about your organizing. madaming nagreklamo -- at nag-blog ng reklamo nila -- during the PISAY showing. make this a part of your assessment sana and next time, mas pro tayo dapat. keri?
so sisimula na ba natin ang rebyu? minabuti ko munang panoorin lahat para creative analysis ang gagawin ko. compare and contrast baga, parang requirement ko sa klase ko, only this time, i didn't require them to do that. mas focused kami sa writing and production aspects. konti lang ang critiques. kaya yan.
*
kaya yan ang una kong tanong sa umpisa kasi parang maraming hindi malinaw sa mga entries, at sa mga winners. saka ko na uuriratin sa individual reviews ko. minsan kasi nakaka-hyper lang na sasabihin mo sa sarili mo na "HUWAAAAT! NANALO YAN NG BEST ___ AWARD???? HUWAAAAY???" o kaya tatanong mo rin ang "HUWAAAT! BAT DI ITO ANG NANALO NG BEST ___ AWARD???" medyo maraming ganun this year. pero malamang ang sagot niyan ay isa rin sa kung ano ang marami ngayong taon -- mega unholy alliances (of indie+mainstream lore) and super-strategic casting (aktres ay anak ng sino? festival director? anu daw? cebu? b?)
chos.
basta.
*
at least this year, may attempts of indie naman sa materyal at execution, unlike last year na hello, itatanong mo kung sino nga ang nag-sponsor ng mga pelikula. star? viva? unitel? e parang produkto nila e, at parang produkto ng mga CDGs nila, na pinaghirapang i-brainstorm ng mga utaw para ma-achieve ang glossy look and story. grabe lang sa pagka-mainstream last year. walang lumipad.
this year, meron naman. tulad ng may pagka-neo-realist approach ng TRIBU ni jim libiran. at ang sobrang talagang totoong true to life approach ng acting-directing sa ENDO ni jade castro. sa wakas dude, natupad na rin ang pangarap mong maging direktor! nakasama ko kasi siya some years ago sa cdg ng isang soap at napaa-distinct ng conversation namin na iyon na nilalahad niyang gusto niyang maging direktor, at saka ni-reveal niya na weird siya kasi tuwing manonood siya ng pelikula sa dvd, sinasabayan niya ng director's commentary chenes. so at least something paid off for the dude. but more of that later. congrats jade.
tuwa din ako sa mga kidz ko kasi karamihan sa kanila ay nag-participate sa paggawa ng ibang pelikula. revelation itong si cha, a brilliant feminist writer na student ko dati sa 3 classes na. lost ako sa kanya dati dahil sobra siyang shy at walang confidence sa sariling gawa pero sa totoo lang, isa siya sa mataas na bingyan ko ng grade sa script at production classes kasi maganda ang style ng bata at mas importante, may sinasabing makabuluhan. pero aktor siya ngayon dun sa TRIBU, at R-18 performance to boot. i'm glad she's coming out of her shell, finally. i hope the others like her will, too. pero huwag lang masobrahan na they end up sobrang bilib sa sarili. ang dami kasing ganun sa kanila ngayon e, naturingang sobrang bata.
pero i'm glad they also have more chances to participate these days. thanks to the boom of the music video genre and the indie full-length digi scene, mas marami na silang natututunan sa labas ng klasrum na i hope bumabalanse sa natututunan nila sa loob. minsan nga lang, naaadik sila sa labas at kinukutya na ang loob. di rin naman maganda yun. pero kanya-kanya lang priority yun, i guess... still, i wish them the best, and i hope they take care of themselves and their peers, na walang dayaan at sungitan. sa dami na ng opportunities nila ngayon, share share na dapat ang mode, di tulad dati noon sa amin at sa ibang older and slightly younger batches na kahit naturingang barkada or kaibigan, nagdadamutan, to the point of saksakan pa, figuratively speaking. kaya tignan niyo na lang sila ngayon... hay. sad lang. di na yata matatakasan na ang film dept/film school/institute na iyon ay microcosm talaga ng philippine showbiz, mainstream man o independent. as in, noon hanggang ngayon.
oh well...
flashback lang. naaalala ko lang when we were in our final year of school noon. a bunch of them friends na paminsan-minsan e sumasama sa amin ay characterized na member ng isang elite exclusive club na sila-sila productions ang dating. ang iba sa kanila'y kilala na at may posisyon na sa creatives ng telebisyon samantalang ang iba ay nag-iba ng direksiyon at pamumuhay. kilala sila bilang raketeros. at noong 1994, rare na may mga avp rakets and all ka, kasi kokonti lang ang ganun, kaya damutan sa info ang labas ng karamihan sa kanila. at itong club na to, gumawa rin sila ng sarili nilang mga productions outside class requirements, for creativity purposes baga. wala namang prublema doon. in fact, natutuwa kami kasi at least may iba sa amin na ganun. dati kasi, kapag sobrang nangangailangan ka lang ng pera, doon ka lang raraket, hindi tulad ngayon na binabalanse ng mga bata ang raket at school. mas ginugol namin ang oras sa pag-aaral at panonood ng sandamakmak na pelikula at pag-attend sa mga art chenes to make us wholesome creative artists baga. and have fun with friends to boot. the lunch bunch! yan ang grupo ko. mas buhay pa kami sa patay na UP Cineastes noon at mas fun at aktibo sa naghihingalo at pinipilit kaming i-recruit na UP Cast noon. e kinse kaya kami, plus yung ibang minsanang sumasama from younger and older batches. so isang org na kami diba? pero keri lang. friends pa rin kaming lahat kahit iba-iba ang goals namin bilang barkadahan at individuals.
one day, they decided to open up their "membership" to other classmates. isa-isang nilapitan at kinausap ang mga chosen ones. komento ng karamihan sa amin "ano sila, diyos?" dahil nga sa namimili daw sila ng "best of the best" chenes. ako naman, i was just taking it all in stride, at natatawa lang ako kasi parang ang immature ng set-up. at saka aliw at kuntento na ko sa buhay ko noon kaya di ako bothered ng ganitong ka-showbiz-ang chenes (which actually proved as a useful training for me when i went deep into showbiz work myself -- survival jacket ko siya, up to now).
one day, their kinda "creative leader" approached me and talked to me, recruiting me. it was just so absurd i felt like we were inside a fellini film, 8 1/2 to be exact, dahil medyo surrreal na theatrical na mind-boggling siya na ewan, just like the movie. out of curiosity and just to humor myself, i asked him kung bakit ako ang isa sa napili nila. our conversation went like this, kinda, not verbatim:
SYA: i think you will be an excellent addition to the group.
ME: (natatawa) puwede bang magtanong? bakit ako napili niyo?
SYA: (napapa-smirk) come on libay, i think you know. do you need your ego boosted?
ME: (lalong natatawa) oo e, sige nga.
and he went on and on about how i have good production skills, skills behind the cam, cinematog, writing din, etc etc blah blah blah bilog bilog ulo etc.
grabe. naaalala ko lang to ngayon. napaka-surreal ng moment na iyon. i never realized how power-hungry my batchmates were at that time...and even up to now. i remember that recruiting guy when i saw him just trying to figure out why oh why i was having dinner and conversation in a long table where manay lolit solis and presidential son mikey arroyo were also seated, and right across me pa. this was years ago when i worked in a newspaper and we interviewed him after the edsa dos event. he looked like he was intrigued but in a jealous showbiz kind of way, you know? funny. little did he know that had he asked, i would have traded places with him that time, because i have had enough of storm signal number 30s by that time...sa totoo lang. not to mention the pasta of that resto sucked to high heavens. ilang beses pa kong inudyok ni manay na kumain, nahahalata niya atang di ko makain, nahiya lang ako at nagpakalango sa iced tea.
hay naku, i would have never survived that moment if i didn't use the knowledge i learned from mam malou's acting class back then: project! hehe. chos.
No comments:
Post a Comment