obvious ba from the title na ang current tripping natin ngayon ay music tripping or, as my generation aptly said "ST: sound trip." yezzz, downloads galore na naman ang lola niyo. kasi ewan ko ba, pero the last week of last year e bigla akong nakaramdam ng pagkasawa sa lahaaaaat ng mga mp3 music ko dito sa chorva ko. kaya i needed to look for new stuff lang, mga na-overlook before at mga new additions. so here we are. kaya tambay na naman tayo ng desktop kapag nagkaroon ng pagkakataon.
isa pang last week of last year tripping ay isang trip literal, sa la union with my kindred spirit friendships. hay naku, tama talaga ang feel ko sa aking new year's resolutions chenelyn, na ang tunay na kasiyahan at pakikipagkaibigan ay matatagpuan sa mga katsokaran sa kababaihang tunay. yan ang happy thought ko for the year, at iyan na rin ang gagawin kong gabay sa buhay for the next decade or so, because it has been proving me right time and time again.
my good chums dré and yari went home for the holidays pala from tokyo. met up with them and they had plans pala of going to la union for a day the next day, so syempre sumabit na ko kasi san juan surfing yun noh. we rented an innova which was cool to drive. man, i miss driving lalo na long drives ng mga road trips na ganun.
ang mga kasama namin ay yung sis ni yari na si renalyn, yung nakilala ni dré sa phd niya dati na si lani and her jowa, and good ol' bulak who provided us with the needed roadtrip humor. sarap! sayang lang at di ko nadala yung digicam ko. pictures galore sana.
sayang lang at nung araw na nandun kami, uber lakas ng current kaya hanggang bodyboarding lang nagawa ng mga byuti namin. hindi na nagparenta ng surfboard ang surf shop kaya luz. dibale, nagpaitim na lang kami sa shore. as usual, di na naman ako gaanong umitim nyemas. pero tip ni bulak, gawing tanning lotion ang pale pilsen! that's what she did. even daw ang tan e. hm, sige sa susunod siguro. baka kasi bigla akong maghanap ng pulutan e hehe.
nakakatawa nung road trip. may dala silang game called taboo. you guess a word or phrase but there are words listed there na you can't say to describe the word. ang saya palang laruin nun. some crazy quotes:
ME: [guessing the word "hockey"] umm, ummm, NFL!
THEM: sports! team!
ME: the middle letter!
THEM: football!
ME: no! no, uh... NFL! NFL!
THEM: football nga!
hahaha ang tanga ko. NHL pala.
YARI: um, um...shiiiit! [dahil mahirap yung word]
BULAK: manure!
hahahah. lagi yon. ilang beses sinabi to.
ito naman, alaskado si yari kay bulak.
YARI: um...um....um....um...um...pass!
hahaha after spending 1/5th of the time e ipa-pass rin pala!
LANI: um... it's parallel to the street where we are!
DRE: [nagtataka, dahil nagda-drive nga kami] huh? highway?
LANI: no, no. parallel to our street, where the jeeps are.
DRE: national highway?
LANI: no, no...
ME: [frustrated na] nyeta ano yan!!!
DRE: [frustrated na rin] left lane?
LANI: no, no...
ME: [finally, after ten thousand years, i figured it out] ay gaga! e taga-lime ka, so ano yan, olive?
true enough, she was referring pala to the street where she lives in marikina. we discussed that earlier kasi na pareho kaming taga-marikina at nagtanungan kami ng kung saan nakatira etc kaya niya nabanggit. di naman sinabi na marikina, ngengortz.
RENALYN: um, um, what libay does!
YARI: writer!
DRE: teacher!
RENALYN: no, no! um, what libay is!
BULAK: single!
hahahaha natawa ko dito. the night before, we were discussing kasi na freelance writer din ako. the word pala is "freelance" hahaha.
hehe ang dami pang quips ng larong yun pero nalimutan ko na yung iba.
miss namin tuloy yung balderdash days namin sa lingayen naman with other like-minded friends...
speaking of funny words, eto ang da best quips of my friends na pinadala over the holidays naman.
from my tagalog-speaking swiss friend bianca: "gloria stops con-ass, delays con-con, reskeds asean summit, so b4 she postpones new year too, let me greet u a happy and gma free new year!" haha ayuz!
profound naman ke xty: "pagsalubong sa 2007, manumbalik nawa tayo sa manlilikha at ibanyuhay ang mga panata: maglingkod sa kapwa, maging tanod-lupa; maghasik ng payapa, humabi ng awit at tula; magmahal, tumawa, makibaka, umasa sa katiyakan ng paglaya!"
pero ang pinaka-winner ay yung galing kay brigs:"may you enjoy this magical time of the year when all your money disappears! happy holidays!"
word. hahaha.
man, i miss bodyboarding naman. have to go back there! sheeeet.
No comments:
Post a Comment