current chicha: saging
who i'd like to kill today: your president (i relinquished her years ago)
who i'd like to hug today: people who don't believe in flak - and miss usa
bakit ko gustong i-hug si miss usa? kasi feeling ko tombash sha at talagang konti na lang e mag-a-out na siya sa miss universe kahapon hehehehe. did you see her national costume? equestrian stars and stripes complete with the shiny boots horse whip thing! dominatrix, pare. tapos ilang beses bang kelangang sabihin sa profile niya na "i am a tomboy; she is a self-proclaimed tomboy..." hmm kakaiba ha. at sabi nga ng isa kong preynd, kakaiba daw siya humawak dun sa top 4 gels when they called her to be the "fourth runner-up" (a glam way to say KULELAT!)
parang yung eksena sa miss congeniality, yung isang contestant biglang nag-out at binati yung girlfriend niya sa audience na may dala palang banner at nag-sloganeering siya sa stage hahaha. nakakatawa yung eksenang yun. feeling ko, kung nanalong miss u si miss usa, gagawin niya yun hahaha. "i would like to fight for equality for gays and lesbians everywhere in the universe and this tiara is for my partner over there. luv you honey! thank you mr. donald trump! let's end discrimination!"
hehehe.
well obviously, nakatutok ang tv kahapon ng umaga sa miss universe pageant, ang taunang paghuhusga sa kagandahan ng mga kababaihan mula sa iba't ibang bansa sa mundo. it's just strange to see that most of these women are not so "pure-breed" anymore. or pureblood, to use harry potter lingo. parang lahat hybrid. si miss sri lanka nga, parang fil-am (if i heard it right, parang jackie hernandez ang pangalan niya!). tapos yung mga taga-slovak o nordic region e parang hindi na...hm, hindi na matigas? hehe. kokonti lang yung parang talagang indigenous ang hitsura sa bansa nila, like si miss trinidad and tobago. kahit nga yung mga taga latinam e parang di na masyadong golden brown skinned.
hm i'm sure nawala ang mga bakla sa kalye kahapon ng umaga dahil dito. i swear, this is a phenomenon. nung nasa dumaguete workshop kami nung 2000, we witnessed this first hand. nawala si neil, si wendell at yung iba pa. late na nang nalaman naming miss u pala sa tv. hehe. i swear totoo to.
although walang masyadong wit or witty lines sa q&a portion in the lines of "harsher punishment for parole violators...and world peace." hehe. pero bet yung sagot ni miss japan ha, about men starting wars and how to end violence. ayuz! national costume winner ka tuloy dahil dyan. mag-sparring kayo ni miss usa gamit mo ang samurai mo. (she actually looked like a toy action doll figure, no?)
pero congrats kay miss pinas dahil siya ang miss photogenic. o di ba, hindi ikaw ang pinakamagandang babae sa mundo (or sa universe) pero ikaw ang pinakamagandang kuhanan ng litrato. eh, ano ang logic nun? di ko maarok. sige lang...
*
mahaba-haba ito dahil sa ulan. salamat kay glenda at nasuspindi ang klase kahapon at ngayon. da best! and i also found out lately that i am inspired to write during these typhoon-ulan times. nag-shift na ulit ang gears ng creativity ko. dati kasi, kapag umaaraw sa labas at makulimlim sa loob, bet ko yun. ngayon iba na. hmm. nag-e-evolve na naman ako.
kayo, nag-evolve na ba kayo?
*
shempre nung hapon, nakatutok ulit ang tv sa state of the nation address or sa lingo natin, sona. ibang klase ang lola natin ano? sobrang bilib sa sarili. ito yung sinasabing " so full of herself" hay naku. kawawa na naman ang pinas... tapos the scariest this is when she said the consitution is outmoded/outdated or something. ohmygawd. either cha-cha ito o martial law part 2 tayo ati. hay...
tapos before that, si presidential lickass staff--er, chief of staff mike d was sprouting lines na ewan ko kung conscious ang katawan niyang binibigkas niya, lam mo yun? para siyang nag-out of body experience at pinapanood niya yung katawan niyang nagsasalita ng lines like "this is about the success, our economic stability and of course political stability..."
hello anong political stability ang pinagsasasabi mo???? alam mo bang patayan kaliwa't kanan dito? oplan bantay laya nga ba yun? whose freedom are you guarding anyway? certainly not ours. have you ever heard of civil liberties???
at anong economic stability ang pinagsasasabi mo? ni hindi niyo nga mabayaran ng husto ang mga government employees, tapos kung anu-anong magic at scams pa ang gagawin niyo para lang makakurakot samantalang kaming nagbabayad ng taxes ang nagkakandakuba sa pagtrabaho ang di man lang makabenepisyo sa mga basic services ninyo! sa kalye na lang e. bakit baha pa rin sa maynila? bakit walang tubig o kuryente sa ibang lugar sa prubinsiya? tapos pupunta kayo sa mga communities na naka-pajero at oakley shades! nyemas.
well, i guess people change. this is not how i knew him way back in '97. but i guess politics and 9 years change people's personalities. i just wonder how her daughter mikey is now. malaki na siguro yung bata. kyut na toddler pa kasi ito nang dumadalaw sila sa opis namin kasama ang mum niyang si julie sa premiere. opismeyt and gud preynd kasi namin yung younger sis nila. at least siya suwerte kasi nasa states na; di niya nararamdaman ang ripple effect ng lickass politicking.
hm tinakwil na kaya siya ng pamilya niya? man i wish he'd do better. for his daughter's sake. and ours. yuck lang kasi e.
hay ano na kayang mangyayari sa bansang ito? minsan, ayoko na lang isipin... nate-tempt na tuloy akong lumayas. tulad ng milyun-milyong pangarap ng mga pinoy... ewan ko ba. may ganyang mode ako lately. evacuate mode. up and out. kelan ba kasi gagawa ng lunar station? i wanna live there. or in saturn. para sosyal ang planet, may rings.
*
in press freedom/free expression news, nachorva ang livejournal lately a. read on:
POPULAR BLOGGING SITE RESTRICTS USE OF BREASTFEEDING PHOTOS
LiveJournal cites breastfeeding images as 'inappropriate' and sends mothers to the virtual restroom
Women on the popular blog site LiveJournal are calling foul at the company's decision to brand images of breastfeeding as 'inappropriate.' Many users of the site have joined together to urge LiveJournal's parent company SixApart to address their concerns and reevaluate the policy.
Small "userpics" of no more than 100 by 100 pixels represent LiveJournal members throughout the site. Users can define one of these icons as "default icon" which plugs it into the user's public profile. These default icons were originally not permitted to be 'sexually explicit or graphically violent.' Recently, icons which depicted breastfeeding were cited as being 'inappropriate' by the LiveJournal abuse team, a group of volunteers who monitor complaints on the site. After clarification was requested, LiveJournal changed their FAQ to reflect a no nudity rule and is claiming that icons with visible areola or nipple are not permitted. Whether or not areola is visible in a photograph is dependent on a number of factors, including skin tone of the mother and physical changes during pregnancy.
Claimed Live Journal Abuse Staffer 'Erin' in a post on the site, "That's really a matter for the FCC to decide. LiveJournal's policies on this mirror what would be allowed on primetime TV or in a PG-13 movie." However, this is not true. The FCC does not consider the act of breastfeeding on television to fall under the definitions of indecency or obscenity.
Breastfeeding is exempt from nudity laws throughout the United States as well as countries such as Canada. Advocates are urging LiveJournal to adopt the same criteria. "It is regrettable that LiveJournal has chosen to target breastfeeding mothers instead of standing up for the protection provided them by law," says Carrie Patterson, executive director of ProMom.org, a non-profit organization dedicated to increasing public awareness and public acceptance of breastfeeding. Advocates state that the feeling that breastfeeding should be hidden only fosters the idea that the natural act of nourishing a child is scandalous.
Breastfeeding bloggers who have refused to change their default icon have been suspended from the site. These users, as well as others questioning the policy, have been treated poorly by the site's volunteer abuse team, something that is not unusual according to other site users.
go na lang kayo sa website ng promom para mabasa lahat.
kelan pa naging bastos ang breastfeeding? yan kasi prublema sa mga moralistang yan. porke nakahubad o nakikita ang body parts na di dapat nakikita, akala nila bastos o obscene agad. hay naku... at syempre, mga babae na naman ang biktima ng ganyang pag-iisip. kainiz. parang yung lukayo ritwal na obscene daw sabi ng mtrcb na nachorva ang i-witness. ngayon naman, chinorva nila ang the correspondents (para fair sa network war? hehe) dahil sa pagpapaktia daw ng batang nagga-ganja. hello, naka-blur kaya yung fez nun? saka anuba, nasa topic eh. pinoy rastafarianism ang topic at maganda naman ang pagkakagawa (napanood ko noh) at part ng rasta culture ang weed. mukhang gago tong mga... ewan.
why are the wrong people in the right positions in this country? one-way ticket to doomsday na tayo nito eh. gudlak sa atin.
and to illustrate this point, post ko lang tong in-email ni cenon last week. this really made my day hahaha. office from hell ito. namatay ako sa kakatawa koya!
OFFICE IN HELL
Ang lobby guard niyo ay si Palito alias Rambuto.
Ang time administrator niyo ay si Cherie Gil at ang morning greeting niya with a smile ay... "Welcome to hell..."
Ang HR head niyo ay si Bella Flores at ang Employee Relations Officer ay si Odette Khan at ang HR Staffing head ay si Dexter Doria... At pag pumasok ka na walang ID o hindi naka-uniform... kakaladkarin ka nila sa buhok palabas ng opisina pagkatapos kang pagsasampalin.
Ang Employee Benefits head ay si Lolit Solis... cge... magreklamo ka na maliit ang sueldo mo... cgeeeeeeeeeeeeeeeeee... I dare you!!!!
Tuwing may problema ang kompanya, ang Corporate Communications head niyo na si Cristy Fermin ang nagbibigay ng official company statement... at ang simula nang kanyang presscon ay... "Galing ito sa isang reliable source at itataya ko ang buhay at karangalan ko dito... wala akong libel case na inuurungan..."
Ang official company driver niyo ay si Vandolph. Do I have to explain?
Kapag kasama mo mag-OT si German Moreno ... walang tulugan!
Ang Legal Investigator niyo ay si Tony Falcon at ang assistant niya ay si Wengweng... paminsan minsan ay tumutulong si Ricky Lo at Madam Auring bilang consultant.
Tuwing bubuksan mo ang filing cabinet andun si Mahal sa loob para iabot ang file na hinahanap mo.
Nung huling company anniversary ay sumayaw ka ng nakadamit babae at sumayaw sa tugtog na "ang ganda ko... feel na feel ang long hair ko..." kinabukasan dumating si Robin Padilla para itanong sa yo kung niloloko mo ang kapatid niya...
Messenger niyo si Kuya Cesar.
Si Boy Abunda ang career counselor mo at tuwing me problema ka ang tanong niya ay... "Mag-usap tayo kaibigan... kung nasa harap ka ng salamin ano ang sasabihin mo sa iyong sarili?"
Si Love Añover ang voice behind your automated phone system. "Mga katsokaran... ip you chuva da number eklavu... dependots 1... ips not... luz valdez... charing!"
Ang Office Security niyo ay binubuo ng Tulfo Brothers... bigla silang darating sa opisina mo at sasabihin "Hephephep... nag-uuwi ka ng bond paper... tarantadong to ah... manggagantsong butete ka!!!" At pag tumanggi ka... ipapanood nila sa yo ang hidden camera shots na nagpupuslit ka ng 2 pirasong bond paper mula sa printer... habang pinoposasan ka ng mga pulis.
Nung Halloween party niyo ang costume mo ay Lizardo... at dun mo rin first time na-meet ang anak ng may-ari na ang pangalan ay Tristan... alias Panday. Next halloween me tribute sa buhay mo na ipapalabas.
Tuwing pasko ang prize committee head ay si Bernadette Sembrano at Vicky Morales. Taon taon din ay nanalo ko ng bananacue at pedicab showcase. At nangangarap ka na sana next time si Willie naman para me jeepney.
Si Michael Fajatin ang laging nagpe-present ng annual report niyo... "Mga Igan... nung umabot sa PhP50M ang ating kinita... kumita tayo ng PhP50M... matapos nating magtrabaho ng matindi kumita tayo ng PhP50M pero bago yan ay nagtrabaho muna tayo saka tayo kumita ng PhP50M."
Boss mo si Big Brother... at alam niya na lampas 15 minutes ka nag-coffee break kaya kailangan mo mag-type nang gamit ang ilong mo hanggang patawarin ka niya.
Kaopisina mo si Arnold Clavio at pag naka-leave siya... OIC niya si Arn-Arn.
At ang number 1 sign na you're in OFFICE HELL...
department head mo si Mike Enriquez ... AT HINDI NIYA KAYO TATANTANAN!!!!
hahaha kulang pa nga yan eh. madami pang karakter sa opisina, lalo na kung dito ka sa pinas nagtatrabaho.
pero dati may HR head nga kaming parang si dexter doria. as in, she really turned evil on us, man. she sided with the wrong vps kasi ayan... kaya kasama siyang lumubog nang lumubog ang mga yun.
tapos may driver din kami dating may pagka-vandolph ang dating hehe kaya ayokong sakyan ang hi-ace niya... dun kami sumakay sa anung tawag dun, L300 na service? auv? something. e galing kaming out of town shoot at pauwi ng maynila. aba, gumewang ang service sa lane dahil inaantok na pala yung driver namin sus... at ayaw magparelyebo sa akin (ako lang at si hech ang pasahero niya, at di naman marunong magmaneho ang koya kaya ako na lang). wala, pag umiral ang ka-macho-han, walang patutunguhan... kaya nag-stopover kami kunwari sa shell at pinaidlip namin siya. syempre gusto pa naming mabuhay no.
hehe okay din yung kay love. dapat idagdag niyo diyan na ang tawag niya sa mga tao ay "pek." short for the double version of that word. hehe. kaya pag magte-take na kami, yun din tawag namin sa kanya. "pek, urong ka sa kanan mo para di ka ma-out of frame. yan. standby."
natawa din ako dun sa michael fajatin quip hahaha. kinukuwento to dati pa nina cres at mga taga-7 sa kin na synonymous na daw ang name niya sa on-air blooper hehe. i never really saw his reports until some people posted it sa youtube at shyet namatay ako sa kakatawa. kaya panoorin niyo siya. classic sha pare.
No comments:
Post a Comment