10 March 2006

disconnectivity charges

pocha kala ko katapusan na ng aking net life pansamantala. nagalaw ko kasi yung external modem ko kaya waaaaah pero reset lang pala ang sagot hehe. whew.

ayoko lang nababalaj ng mga hardware eklats (or even software for that matter) ng teknolohiyang ito ng kompyuter. hirap lang kasi minsan, natatali na tayo sa ganitong klase ng pamumuhay.  parang di na lumalampas ang araw na di ka magchecheck ng email, mag-surf ng kaunti tungkol sa anumang impormasyon, at kung anu-ano pa. pero masaya rin naman. nga lang, tech-dependent na tayo.

kaya minsan maganda pa rin ang may panulat na kuwaderno at tinta. kasi yun, puwede mong dalhin kahit saan - sa bundok, sa tabi ng dagat, sa bagong lugar, sa resto, kahit san ka mapaupo at mapasulat. old fashioned pero gusto ko.  saka kolektor kasi ako ng magagandang kwaderno e. kaya like ko.

pero siguro, iba pa rin ang bilis ng teknolohiya. ngayon nga, nagmumuni-muni akong bumili ng palm top na tinatawag, at least para man lang makasulat ng impormasyon habang nasa labas na halintulad sa teknolohiyang ito sa bahay pero di singbigat ng laptop at di sing-arte. hm... parang naiinggit ako sa aming upcoming dean kasi pag nagkakalikot sha ng palm eklat niya sa faculty meetings hehe. pero maliban sa inggit, nakita ko ang bilis at gamit/silbi nito. kaya eto, muni-muni mode...

ano ba ang marerekomenda niyong modelo? at magkano? sana mura lang. e kung mura, ano naman ang features nito? gagamitin ko lang naman sa tatlong paraan: panulat ng salita (documents), pang-ayos ng iskedyul, at taguan ng mga contact numbers na kailangan sa lyf.

sagot! :) plis. dito o sa leaflens sa gmail. oks?

*

update: pinakawalan na rin naman si jesse (see previous post below) pero akbayan is filing countercharges. bwakanang----dapat lang noh! si riza naman ang pinik-ap nila eh! nyetah!

i hate this government.

No comments :

Post a Comment