20 July 2009

bagong istilo ng panloloko sa kapwa


... hay, onli in da pilipins! kaloka ito. ingat tayo.

nakuha ko sa email. hindi akin ang font styles at colors hehehe.

------

Mahalagang Paala-ala sa ating mga kababayan na nagsisikap na makapagpundar ng salapi para sa kanilang pamilya.

Narito ang isa sa karumaldumal na gawain ng mga tiwarik na alagad ng batas para sila ay magkamal ng salapi sa masamang paraan.

Kung kayo ay kumakain sa anumang restaurant o fastfood at halos ilang linggo pa lamang nakakarating galing sa ibang bansa ay mag-ingat kayo sa ganitong scenario....

Habang kayo ay kumakain, may pwe-pwesto sa tapat ng lamesa ninyo na isang tao (babae o lalaki) at ito ay kakain din. Kalimitan ang suot ay parang balikbayan din, malimit itong gagamit ng cellphone at malakas magsasalita para makuha ang atensyon mo, at parang laging nagmamadali.

Bigla itong tatayo at a-akto na nagmamadali, maiiwan sa table ang susi ng kotse niya. Dito ay dapat kang mag-isip nang mabuti dahil sa oras na kunin mo ang susi at ihabol sa labas ng fastfood o restaurant para iabot sa umalis na customer, pagdating mo sa labas ay hindi mo na makikita ang taong ito. Sa puntong ito ay babalik ka sa loob ng fastfood or restaurant. Biglang may lalapit sa iyo na isang magpapakilalang pulis at sasabihin sa iyo na ikaw ay suspect sa carnapping, at bubulungan ka na huwag mag-ingay at sumama sa labas dahil nandoon ang complainant; at may tatayo pa na apat na tao sa loob ng fastfood o restaurant at magpapakilalang mga intel agents daw. Dito ay malilito ka na at mapipilitan kang sumama sa labas dahil marami na sila.

ITO AY ISANG MALINAW NA FRAME UP

Kapag kayo ay nasa labas na, dito na magaganap ang pagpilit sa iyo na sumakay sa kotse nila upang ikaw raw ay dalhin sa presinto; subali't dadalhin ka nila sa isang lugar na halos walang tao at doon ka tatakutin na ipame-media ka at sasampahan ng kaso.

Ito na ang simula ng pag-alok nila sa iyo ng ibang option para hindi ka makasuhan. Ito ay ang pagbibigay mo sa kanila ng pera. Una ay hihingan ka nila ng P500,000.00 hanggang sa makipag-negogiate ka sa kanila.

KAYA PO MGA KASAMANG MGA BALIKBAYAN AT OFWs, MAG-INGAT PO KAYO SA PAGMAMAGANDANG LOOB KAPAG NASA PILIPINAS. IWASAN PO NINYONG DAMPUTIN ANG ANO MANG BAGAY NA MAIIWAN NG MGA KUSTOMER NA AGAW-PANSIN.

IPAALAM PO NATIN ITO SA LAHAT NG ATING KAMAG-ANAKAN, BALIKBAYAN AT OFWs, AT MAGING SA MGA KAMAG-ANAK NATIN NA NASA PILIPINAS.

HINDI PO TAYO NAMUMULOT NG PERA PARA NAKAWIN SA ATIN NG MGA WALANG-PUSONG NAGPAPAKILALANG ALAGAD NG BATAS ANG SALAPING ATING PINAGHIRAPAN. PATI PO ANG MAGANDANG PANGALAN NG ATING BANSA AY KANILANG SINISIRA.

Ito po ay naiulat na nangyayari sa lugar ng Bulacan, Laguna, Antipolo, Bataan, at Quezon City.

Mag-ingat po tayo palagi at manalangin sa Diyos.

No comments :

Post a Comment