07 May 2009

cinechichirya: GHOSTS OF GFS PAST

the first thought that came to my mind as i was about to write this was shyeeeet pinatulan ko toh! but anyway...


GHOSTS OF GIRLFRIENDS PAST

d. mark waters
c. matthew mcconaughey , jennifer garner, michael douglas

pitch: playboy photographer gets life lessons a la scrooge style

catch: gusto ko bunutan ng ngipin si matthew


kasi he smiles. a lot. and it's freaking irritating. oo biased ang movie critic na ito. i hate him.

he ruined a lot of great movies for me, top of which was CONTACT with jodie foster my love. i mean, bagu-bago pa lang siya noon when that movie appeared, at nakakainis na ka-acting sparring niya si jodie agad, dahil wala siyang K! the boy just looks good, pero huwag mo na siyang pagsalitain at certainly wag mo na pa-akting-in ba. kulang sa emote si boylet.


heniwey, that notwithstanding, hindi rin kasi siya bumabagay sa role na ito. okay he's cute, can pull off the dapper dude bit, but he lacks a certain oomph na wala sa ibang hollywood actors who could portray this role better than him. i am so reminded of ewan mcgregor's turn as the bilib-sa-sarili playboy sa DOWN WITH LOVE, and that's a helluva lot better characterization than this one, at dahil nadala ito ng magaling na acting ni ewan. i so love him there man.


hay, o sige, etong si matthew. yes, hindi siya believable. yes, over the top dapat ang karakter niya pero he just doesn't have that x-factor to pull it off, e. nakakairita lang siya. maganda sana dahil ka-acting sparring niya si jennifer garner, na bagay sa role, pero sana magaling din ang tinapat sa kanyang aktor no.


the story is of course predictable. if you're familiar with the scrooge plot pattern na unang nakita sa A Christmas Carol novel ni Charles Dickens, alam mo na ang mangyayari. maganda kasi itong moral tale/fable kaya cinema has been reinventing to death this plot pattern, and to think like 1840s pa ito, decades before the birth of cinema. wagi si charles.

pero di wagi itong pelikulang ito. di ko alam kung paano nila dapat nagawan ng kakaibang twist ito para di naman masyadong predictable at para naging palatable ang characterizations, esp ng protagonist. ang nagdala actually ng pelikula ay ang support characters e, like si jennifer nga, and the dead tito playboy na si michael douglas (who's seriously looking like daddy kirk na, with those wrinkles!), and that cute indian girl who plays matthew's quirky indian assistant. hahaha i love her! dapat marami pang ganitong character sa hollywood films. more asians! it's high time they reflected the realities of their countries noh.


hay. i guess this film is a lull film before all the better ones make buhos in a deluge of summer blockbusters. dami kong gustong panoorin pero nasa next attraction pa. kaya siya, eto, tiyagaan na lang toh. argh. ni sa hbo di ko ata to panonoorin e. ewan. i just wanted to eat popcorn kasi...

No comments :

Post a Comment