08 January 2009

muni-muni morning



sa personal journal ko lang dapat ito, pero parang keri na ring i-share.

-------



9.03a

rainy cloudy mornings like these remind me of when I was small in project 4.

ito yung mga panahong may pasok at as usual, tinatamad akong gumising dahil antok pa ako, at ang gagawin ni lola e kukuha ng basang bimpo at pupunasan ako at bibihisan kahit kalahati ng katawan ko e tulog pa. Walang ligo, pag-uwi na lang from school.

Tapos pag naka-uniform na ako, magmumukmok akong maghihintay sa sala o a may labas ng schoolbus na jeep naman talaga dahil service jeep lang siyang for rent, tapos matutuwa ako kapag in-announce sa AM radio na walang pasok ang mga bata, elementary high school at kolehiyo.

Dali-dali kong huhubarin ang sapatos, medyas, uniform at ihahagis ito sa kung saan man puwedeng ihagis, at magbibihis ng sando o tshirt at shorts pambahay. Saka maglalaro ng jackstones, magco-coloring book o manonood ng cartoons sa TV kung meron nang ume-ere. Tapos hihintayin ko na lang ang katulong o ang lola namin na sumigaw ng “kakain na” ng tanghalian.

Habang hinihintay, makikipag-unahan naman ako sa kanilang kumuha ng ice candy o yelo para ihatid sa mga bumibili sa gate. Susubukan kong humingi rin ng chocolate ice candy kay lola pero pagagalitan niya ako at sasabihing “malamig ang panahon, umuulan na nga, mag-i-ice candy ka pa!” so babalik na lang ako sa kung anuman ang ginagawa ko, hanggang sa ipapalipat na ni lola ang TV sa kung saan mang channel naroon ang Student Canteen o Eat Bulaga kapag lampas alas-onse na. Kapag umere na ang mga palabas na ito, mag-e-expect na ako dahil pamaya-maya lang, meron nang sisigaw ng “kakain na!” at tatakbo ako sa aking designated seat sa mesa, sa right side corner ni lola na siya namang nasa dulo ng mesa, at katapat ko sa mesa si lolo, habang nasa kanan ko ang isa kong tita at nasa kabilang dulo ang bunso kong tita.

Gagayahin ko si lolo sa pag-upo sa mesa na nakatungtong ang kanang paa sa silya para ang tuhod niya ay naka-usli at nakapatong doon ang kanang braso ng kanang kamay na pinanggagamit niya sa pagkain, dahil hindi siya mahilig mag-kubyertos, pero pagagalitan ako ng tita ko sa tabi ko at sasabihing hindi proper way iyon ng pagkain ng isang dalaga. Seven years old lang ako nito ha.

-------

now you know what i'm thinking of every time i stare out into the window to look at the buhos ng ulan sa labas... well, at least one of the thoughts.


dugong: hay, sarap lang sa bahay 'pag umuulan, no?

yucky: oo nga e...



dugong: masarap kasi panalo 'yung view natin, 'no?

yucky: true ka jan 'te.





yucky: hindi siya gloomy sa feeling, ever.


dugong: korak. winner.




oso: pst, hoy kayo, lagi niyo na lang ako iniiwan sa mga chenelyn...



oso: sama ko...

1 comment:

  1. Your ice candy episode reminds me of your photo "Bobo in Baguio: malamig na nga, nilalagnat na, nag-slurpee pa" :)

    ReplyDelete