pieces of my life seem to be mismatching themselves and criss-crossing their paths without my permission, or manifesting themselves up from the murky swamps where i long buried some of them. why is that so?
in the end, di na naman kinaya ng lola mo pumasok today sa iskul. paano ko ba naman ikikritiko ang labinlimang maikling pelikula nang may sore throat at baradong ilong (at least yung isang passageway)? sige nga, sabihin mo sa akin. hindi pa ganap ang kaalaman ko sa sign language and i doubt kung maisa-sign ko ang aking signature class statement na "kanya-kanyang chever lang yan, mga anesh. bet?" mahirap i-achieve.
opo, di pa ko ganap na magaling. sana wala na ito bukas. para makasigaw na ako ng "standby, 3, 2, 1, go!" sa bulacan.
wish me luck.
*
the last time i got sick was sometime in june, i think, the more serious one in january, where i was bedridden for 3 days straight with flu and colds, and 3 more just to rest and recuperate. thank goodness last wednesday the day-old fever broke near midnight, allowing me to have enough power to go to the thesis defense session yesterday. i think the cine adarna cold got to me, hence the throat problem.
yet in spite of the hellish physical feelings, how heartwarming it is to receive feelings of support from friends who care enough to symphatize with sick ol' me, through a facebook joke ("wawa ka naman, di ka makakagala :)") or well-wishing ("get well soon!"), texts from students ("get well soon, ma'am libay, hearts hearts!"), call ("gusto mo ng oregano?") or texts from kindred spirits ("pagaling ka. c u tom.") and a visit from my mum ("may dala akong mefenamic").
don't get me wrong. all of these well-wishers i welcome in my heart, but the most special chamber is reserved for the one who said "i would love to care for you as long as i'm living."
*tumbling, tumbling, tumbling ng walang katapusan*
nakakatawa dahil sa naging barometer (litmus test?) ko na ang halaga ko sa isang nilalang sa pamamagitan ng pagtrato niya sa akin kapag may sakit ako. karelasyon ang ibig kong sabihin.
nakakatawa dahil sa lahat halos ng naging karelas ko, ni isa sa kanila ay di gaano marunong mag-aruga ng bonggang-bongga na ikaluluwag ng loob ng isang sakiting batang tulad ko. hindi naman ako naghahanap ng yaya, caregiver o nurse at hindi ko hinihiling na maging ganun sila sa akin. sana naman e kahit konting pag-aruga lang e ilaan nila sa akin. masaya na ako dun, kahit sa isang text na tunay at sinsero o isang oras ng pagdalaw para kamustahin ang kalagayan ko.
ang isa ay nagagalit pa. nag-iinarte daw ako nung nakita niya akong namimilipit ang tiyan sa sakit sa sofa. kelangan ko pa siyang iyakan na dalhin ako sa ospital para malaman na na-food poison pala ako. pero nung nasa sofa pa ako, handa na niya akong iwanan kasi may lakad pa siya.
yung isa naman, hala, gawa lang ng gawa ng mga gawain niya, at nang mauwi lang e dun nalaman ang kalagayan ko -- na kelangan ko pang sabihin--
siya: bakit ka nakahiga lang diyan? (nagpapatimpla ng kape sa akin)
ako: may sakit ako e.
siya: ha? ba't di mo sinabi?
hindi na nga ako gumagalaw sa kama e, mula nang dumating ka, di ba?
may isa pa na tatawag nga, ang ibubungad naman
sa yo...
siya: o, ano na naman ang sakit mo? (tonong inis)
ako: sinat, sinusitis. mina-migraine ako kanina. nahihilo ako.
siya: hmp. huwag kang higa lang ng higa. tumayo ka. labanan mo. (tonong asar)
ano kaya sa "nahihilo ako" ang hindi niya naintindihan???
hindi ko talaga alam kung bakit ko pinatulan ang mga babaeng ito, na naisipan ko silang mahalin.
kaya nga nagulat ako na ngayon, hindi na ganun. aalagaan daw
niya ako. kahit matanda na daw ako. sabi ng facebook status niya "goldfish wants you to be her 1st and last person that she could spend her lifetime with..." basta parang ganun.
kasi nga, nung nalaman niyang may sakit ako, di niya alintana kung matagtag siya sa biyahe dahil galing siya malayo. mas gusto niyang puntahan ako at siguraduhing magaling na ako, at aalagaan niya ako para gumaling.
oo kuya, may ganun.
napapag-usapan lang naman kagabi ang aking previous post na "minimum requirements for living and loving" habang kumakain ng crepes sa morato kasama ang bayview poets society kindred spirits ko, tinanong ni kuya kung ilan sa aking minimum ang na-meet ni goldstar kaya nag-go ako sa kanya. di ko maalala eksakto kung ano ang mga ispesipiko kong nilagay, pero sabi ko, estimate 2/3 siguro. tanong ni kuya ulit, ilang porsyento ang kaya mong ilaglag para i-accommodate ang shortcomings ng potential jowaers. sabi ko, kalahati siguro. si ati naman, nag-qualify ng question: relasyon ba yang porsyento, o date-date lang? kasi iba daw yun. tama naman siya.
sabi ko, sa date, walang porsyento. kasi walang expectations dapat. saka ka na magbuo pag nagkita na kayo. in short, bahala na si batman. e potah, nakipag-date nga ako sa sirena, di ba? nubah. minus 40 degrees fahrenheit ang drama. walrus pala. choz.
sa relasyon? hm. ewan. kaya binalikan ko nga ang listahan ko kanina, at tumambling na naman ako ng bonggang-bongga nang nagche-checklist ako kanina.
eto ang tumataginting na resulta:
1. dapat malambing sya.
mega-check. super mega-check. to the highest level. bisyo na 'to.
2. dapat hindi siya praning
check na check.
3. dapat out siya
oo sa halos lahat, pero meron lang konting kibot na kelangang bagayan na kelangang pagtaguan, pero hindi ito malaking prublema o hadlang sa kasayahan.
in short, yes, alam ng parents, siblings, friends. and the environment. plus the sky. and the beach. up next, the weather report.
4. dapat koboy siya
sa karinderya man mag-pigout o sa almon marina, walang pinagkaiba. hindi kasi siya kumakain. ako lang ang lumalamon hahahaha! choz. hindi nga. :P
5. dapat hindi siya classist matapobre freak kundi patient and tolerant of differences
ten times over. check na check. it goes without saying.
6. dapat into the arts siya, o naiintindihan niya ang importance ng arts
kasama na ang media arts, especially new media arts, kung saan may angkin siyang galing at bilis. at oo, hindi siya napapagod basahin ang mga sulatin ko sa blog ko kahit mahaba pa yan. tulad nito.
7. dapat sensitive siya sa needs mo
siya pa ang nag-aalala kung nakakaistorbo siya. lagi na lang. na aking ikinagulat, kasi yung iba, hindi ganito. at isang ehemplo lang yan. as in. basta. secret! :P
8. dapat honest siya sa feelings niya sa yo
ito ang unang check na check. uber. super. duper. andun e. yun e. eh.
9. dapat matino at masarap kausap
e lalo na to. walong oras na tambay-kwento sa breakwaters mula bago mag-sunset hanggang sa mag-sunset hanggang sa mag-moonrise hanggang sa malapit nang maging kalabasa ang karosa ni cinderella, walang humpay ang katinuang bumalot sa kalawakan.
10. dapat tanggap niya kung ano ka
sobra. hindi ako tinimbang at naging kulang. sumobra pa nga, por kilo ang taba ko e, o, lalo na sa pwet. miss, paki-slice nga, yung pang-adobo. :P
11. dapat she is a woman of her word. at walang third party. kahit ex-turned-friend pa man niya yun.
and yes, she definitely is. sinipot ako e, hindi ba? that in itself is commitment. baby steps, baby steps...
12. dapat hindi siya sinungaling
sobrang kabaligtaran siya nito. na siya talagang ikinakatakot ko minsan. ewan ko. self-defense mechanism ko ata yun e. kelangan kong i-reprogram na. dahil sa kanya. dahil sa kanya.
13. at dapat, gagawa siya ng effort para magwork ang relationship niyo.
ay walang tulak kabigin. tatahakin anumang expressway para lang magkita kami. ano'ng panama ng marikina-___ (name a metro manila municipality) divide dito? wala. wala! mga hungkag ang mga nauna. peke. pirata. layuan niyo ako. isa lang ang puwedeng magmaneho ng tranvia ko ngayon. isa lang.
siya lang.
siya.
nang makita niya ang rainbow flag sa bahay ko, sabi niya, kulang ng isa ang kulay. sabi ko, tama lang. sabi niya, mali. kulang daw ng isa. anim lang kasi. dapat pito. saka ko nga lang napansin. aba, nasaan nga ba ang isa?
"walang indigo" sabi niya.
napaisip ako ng malalim at napatingin sa bintana...
sabi ko, "e ayun ang indigo..."
sabay turo sa langit.
saka ko kinuwento ang "alamat" ng indigo sky, kung bakit bago magtakipsilim lang nakikita ito sa langit. nang ginagawa kasi ng diyos ang mundo, ginising niya ang mga anghel para magkulay. si blue, masiba, kinulayan lahat (langit, tubig). si green din (halaman). "pati si brown? lupa." sabi niya. di ko maalala kung kasama sa krayola ni god si brown, pero sige, isama na natin. tapos si indigo, naiwanan. wala nang natira sa kanya, maganda pa naman siyang kulay. kaya sabi ni god, dibale, bago magpalit ang araw at gabi, may ilang minuto na ang kalangitan ay magiging kulay indigo, para makita ng lahat ang ganda ng kulay na ito bago magdilim ang lahat.
natuwa siya at tinanong kung saan galing itong kuwento. sabi ko, sa kaibigan kong scriptwriter sa Hirayamanawari. episode niya yun e. siya nagsulat. :P
natuwa naman siya, fafa ned :) ako rin. si x din. gustong-gusto ko talaga ang kwento ng indigo na yun.
sabi naman ng isa--matapos akong pagalitan at sabihing "mag-invest ka sa turtleneck!"-- ay ganito: e maganda ba naman?
um, ano na nga ang sabi ni ate pau sa government anniv? with her miss universe smile, isang tumataginting na "WINNNNNNERRRRRR!" [emphasis hers]. :)
*tumbling*
it's yay to be gay! :)
amoy... pag-ibig!!! :)
ReplyDeleteI love it. Hey I didn't know you were devoid of lambing in the past. :( You are so deserving of all the love and affection in the world. I'm glad someone is finally there to give it without being asked. All the best, hope to meet her soon.
ReplyDelete