18 September 2008

bakit bawal ang mani sa shoot?

konting aside lang sa trabaho today.

got this in my academic work email today. natawa ako hahaha. merits reposting.

-----------------------------
Dear Ma'am Libay:

I am _____, a sophomore Broadcast Communication major. As a requirement for Broadcast Communication 100 (Introduction to Broadcasting) under Prof. ____, my groupmates and I are currently doing a study which aims to find the etymology and rationale behind the media practice of the prohibition of eating peanuts during production.

In line with this, we would li
ke to interview you regarding this tradition. We have learned from some of your Film 112 students that you are implementing this practice. Any knowledge that you can share with us regarding this would help a lot in our study.

Thank you very much, and we look forward to your favorable response.
-------------------------------



hm, bakit nga ba?

i never told my class that i am implementing this practice. pag naalala ko lang, saka ako nagre-react. hindi siya rule pero ayoko ring labagin kumbaga. mahirap na no. minsan, kakambal ng production ang murphy's law.

huwag. na. huwag.

nadatnan ko na ang praktis na ito sa shooting ng pelikula noon pa. 13 years old pa lang ako, tumatambay na ako sa rpn9/ch13 studios diyan sa lampas sa balara malapit sa peyups, at narinig ko iyan dati sa set ng soap operang tinatambayan ko dun. pero siyempre di naman tumatak sa akin ito.

fast forward to 1994. sa set ng isang music video shoot kung saan intern ako. nabanggit din ito ng ibang crew na kasabay kong pumapaypay ng uling na may baby oil (for lowtech fog machine fx). wala lang.

kahit mula 1992-1995 na nag-aaral na ako ng film and audiovisual communication sa peyups (matapos layasan ang fine arts), naririnig ko na ito sa mga kasamahan kong kaklase sa shoot-shoot namin. isa sa laging sinasabi, bawal magdala ng mani sa shoot. any junk food except for that. wala lang.

hanggang sa magtrabaho na ako sa pelikula, sa premiere productions, noong 1996. narinig ko na naman yan, lalo na sa set ng shinu-shoot naming pelikula ni cesar montano na si joel lamangan ang direktor. at pati sa iba pang set ng pelikulang shinu-shoot namin na hulma ng kung sinu-sinong direktor, narinig ko rin ito. wala lang.

ewan ko ba. sabi ni cenon, myth lang daw ito na pinauso ng isang OC na ayaw ng makalat sa set sa shoot.

bakit nga ba malas? ewan ko. kung magawan nga nila ng trace history ito, aba e gusto ko mabasa yun!

hehehe.

baka yung iba diyan, may alam o teorya. comment!

la lang.

okay back to work.

huy! ikaw din. :P

5 comments :

  1. Bwahahaha.

    Ma'am Libay, kilala ko to. Kaklase ko po. Hahaha.

    At ako yung nagrefer sa inyo. Hahahaha. Kasalanan ko pa ngayon. :D

    ReplyDelete
  2. hahaha hindi naman kasalanan ito. nakakatuwa nga eh! sobra! hahaha!

    ReplyDelete
  3. parang urban legend ng profession... meron din kame:

    bawal kumain ng noodles pag duty sa ospital kasi mas magiging toxic daw...

    dapat ata i-compile natin ang mga ganto. haha.

    ReplyDelete
  4. uy okei yan a. may ganun pala??? noodles pag duty. hehe. ayuz. honga, magandang project ang compilation na yan a. hmmm... :)

    ReplyDelete
  5. hi ms. libay. I am doing the study on this. The students who approached you were given the opportunity to see-through the study via data gathering. You may recall that i approached you already regarding this. thank you for your usual positive response.

    ReplyDelete