11 August 2008

short-dipped


respite from work and escape from crazy women/crazy men at work (and there are a lot lately, i tell you) -- cine chichirya.

shorts muna. cinemalaya shorts, that is.

mabilis lang to. sobra. meryenda level.



CINEMALAYA SHORT FILMS 2008

ANDONG
d. Rommel "Milo" Tolentino

pitch: a scavenger boy, obsessed with buying a raffle ticket that could win him a tv set, does all things possible to achieve this simple yet touching goal

catch: editing needs a bit of polishing

i loved this one! never mind that non-professional actors were acting (somewhat) in this film. it appeared a bit natural nga e, parang docu style, lalo na yung nanay na nakukulitan sa anak niyang pabili ng pabili ng tv, at ng tiket para manalo ng tv sa raffle. classic! neorealism at its finest ito. siyempre natulungan ng magandang pulso for editing para lumabas ang story, at na-achieve naman. sobrang aliw ang treatment na magaan lang, walang paghuhusga, kahit na mahirap sila o ang sitwasyon, pinapakita lang as it is, unfolding lives, na walang filmmaker-from-the-upperclass-looking-down-on-filmed-subject-from-the-lowerclass mode, unlike previous cinemalaya shorts na nakita ko na sobra lang matapobre ang lenteng ginamit sa kamera. hay nakuh. pero si andong, deserve niya ang panalo niya. congrats sa inyo, nerissa!



ANG IBANG MGA PAMILYA (OTHER FAMILIES)
d. Joel P. Ruiz

pitch: sabi ng program "is about a
woman who overcomes the grief of losing her adopted son"

catch: parang hindi nakita ang pitch na iyon

in UPFI, we have a subject called Film 175 Film and Literature where cross-disciplinary arts like cinema and literary works, particularly short stories and novels, are dissected and compared. siguro kelangang dumaan sa klaseng ito ang mga filmmakers kasi hinugot nila ang kuwento sa short story ni master literary storyteller jose "butch" dalisay, na if i am not mistaken, the title is "Some Families, Very Large."

hands down, sir butch is a master of the craft of the filipino short story in english, and his writings usually picture and sketch very vivid scenes and emotions that weave into thought-provoking stories. the weaving and such really works well with words on paper. sadly... this kind of weaving still has to be translated into visuals and sound. laglag lang ati. sobrang laylay ang pelikulang ito, dahil hindi niya na-achieve and sentiment na binabato ng short story. it didn't even have a life of its own, as what happens most times with film adaptations of literary works. but there's an art to it, adaptation and translation. mukhang kulang pa. hindi tumawid.



ANGAN-ANGAN (DREAMS)
d. Sheron R. Dayoc

pitch: sabi sa program "centers on a mute
nine-year-old girl named Satra, whose determination to secure a good education reverberates clearly amid the strictness of her Yakan culture. The Yakan are one of the 13 Moro groups in the Philippines.
They mainly reside in Basilan, Mindanao."

catch: filmed with an audience in mind? hm.

ambivalent ako sa film na ito. it kinda appeared good to me in the beginning, kasi appreciate ko sobra ang films na nagpapakita ng iba't ibang kultura ng pagiging pilipino, hindi lang yung "modern" (read: american-influenced) culture natin ek. okay sana. pero nalabuan lang ako sa kuwento. maganda sana yung issues na ipinapasok dito, namely the right of the child to an education, and the gender roles handed down to us by tradition ek. kaya lang parang hilaw pa rin sa luto, kaya yung deliver parang di masyadong satisfying. it was also obvious that the filmmakers were in love so much with their "artsy" shots, and that usually kills the story. a film should have a balance of how a story will unfold utilizing the visuals. medyo kulang pa ito ng ganun. nag-take off siya, pero hindi lang lumipad ng husto.

hani, trabaho lang ha, walang personalan hehe :) congrats nonetheless sa inyo diyan sa zambales! make more films like these! hey, where's my tubbao? hehe :P




DIAMANTE SA LANGIT (DIAMOND IN THE SKY)
d. Vic Acedillo, Jr

pitch: sabi sa program "is about
two brothers' journey to compete in a kite flying contest. But getting there takes some time. In the end, they face something unexpected and discover something more precious than winning."

catch: gano'n???? yun yun???

sa totoo lang, lost ako sa pelikulang ito. isang tumataginting na "hanubayunnnnnn" ang reaksyon ko when i watched this. may konsepto, walang kuwento. delikado. argh. for that, yun na ang review! bakit pasok to???

*tumbling*




ONLY GOD KNOWS
d. Mark V. Reyes

pitch: sabi sa program "focuses on the disturbing and gut
wrenching tale about the realities of life in the sprawling metropolis of Manila."

catch: miscast ang cast sa urban poor setting

di marunong gumawa ng synopsis ang gumawa nito. it's more than that. it's about this nanay who has to face her demons and moral decisions of giving her son for adoption, out of extreme poverty, only to have that son sold to white slavery. and to a pedophile at that. harshness!

hambigaaaaat! di ba? pero effective siya. not new, typical story, sampu sampera na ang mga giving-up-or-selling-your-child-for-money chorva storylines sa philippine cinema (or asian cinema/third world cinema for that matter), pero this one, nadala ng good acting, thoughtful directing, at good-paced editing. never mind the shots. minsan may hindi kering anggulo pero sige lang. nadala ng aktres.

si angel aquino nga pala ang aktres. bothered lang ako kasi for an urban poor nanay, ang ganda ng highlights work sa hair niya, na halatang pina-parlor (sobrang shiny lang, ate). and of course her complexion, although minsan puwedeng lumusot ito na makinis ang mga nakatira sa slums ek (dahil may ganun namang mga tao talaga). o sige, half-keri. pero yung anak niya kasi, halatang slight malusog at alagang-alaga, kaya hindi believable na naghihirap sila at kelangan siyang ibenta. ayun lang naman ang beef ko. other than that, okay ang film na ito. the build-up of the anticipation, na alam mo nang gagawin niya, tapos yung pag-aagaw ng emosyon nung nanay na kineri ng akting ni angel, bet! winner ito. bigat lang, pero winner.



HULING BIKTIMA (THE LAST VICTIM)
d. Vitaliano A. Rave

pitch: sabi sa program "is a film noir
style about a detective's last minutes."

catch: so ano'ng bago?

siguro ang bago e ang filmmakers ay enamored sa medium ng graphic novel, because it was obvious that they were making it appear like the visuals were straight out of graphic novels, lalo na't may pa-thank you sa isang graphic novel author sa credits na inspirasyon nila i'm sure (frank miller 'ata). kaya lang, kapag tinanggal mo ang graphic novel look and all, ano'ng matitira? walang kuwento ito, talagang gusto lang niyang magpakitang gilas na may alam sila sa cool, slick videography and editing. sadly, hindi kineri ng set, costumes (lalo na si detective na mukhang manong na naka-amerikana -- sa dark alleyways of dirty manila? wengk.) at ng boses ng detective (na hindi siya sounding detective! kulang sa bass). hm. sana lang maging mas orihinal pa ang filmmakers, meaning make this material closer to pinoy culture, para hindi siya mukhang american ripoff (which is what it is, actually). sayang ang slick equipment if it won't be put into good use.




MY PET
d. Anna G. Bigornia

pitch: sabi sa program "is a 7-minute animation about an 8-year-old
girl and her relationship with her first pet, a chick, the subject of a class experiment."

catch: sana may light ang faces ng characters

other than that, keri ko ito. maganda na hindi talkie, and for an animation work, oks lagi iyon. maganda ang music, ang tema, cute ang animation work, pero bakit madilim ang fez? hm. masyado lang mahaba, feeling ko, for the kind of story it was trying to tell. sana mas pinaiklian pa para poignant, short and sweet. pero bet ko ang animation style. parang slight eastern european ang feel, pero pinoy ang textures. winner!




PANGGARIS
d. Dexter B. Cayanes

pitch: sabi sa program "is about a prostitute whose life
changed when her mute sibling learned to talk, uttering only the word "panggaris."

catch: kulang sa kwento

sa totoo lang, di ko na talaga halos maalala itong short na to. i guess ganon siya tumatak (o hindi) sa akin. i just remember being unhappy in watching it. sorry alam ko hindi fair itong ganitong review pero i guess my reaction also speaks for the quality it has (or the absence of it).



TRAILS OF WATER
d. Sheron R. Dayoc

pitch: sabi sa program "is an experimental film about a
young boy's emotion as seen through his make-believe story."

catch: kulang sa kuwento

di ko alam kung dahil sa huli-huli na ito at di ko masyadong keri ang kuwento, pero hindi ko na siya sobrang matandaan ang detalye. i guess ganoon din siya tumatak (o hindi) sa akin. noble and good intentions cited, at okay iyon. pero the art and craft of storytelling through film, kulang pa rin. could be improved. may promise naman e.



TUTOS (COST)
d. L.A. Yamsuan

pitch: sabi sa program "tells about the dynamics and complexities
of a single father-daughter relationship in a postmodern patriarchal Filipino society."

catch: nachorva ko na ito bilang isa siya sa thesis ng nakaraang taon, at isa pa sa best thesis

the story is actually good. biases aside siyempre. i like the sensitivity of the camera handling and the editing, may pacing, at very mature ito. i also like the super subtle (call me overreading) na ang kuwento ay tungkol sa isang babae na puwedeng may leaning towards liking another babae. super subtle message, partly hidden, pero quite a bit obvious sa portrayal and acting. sinadya man o hindi, okay lang. ayun. basta. okay to. congrats, LA!


*


o sya, my break is over. discuss.

No comments:

Post a Comment