two teachers passed away today. one was monico atienza. the other one was rene villanueva. got texts from friends at KAL.
sad naman. sad lagi kapag may namamatay na manunulat o guro. dalawa ito sa trabahong laging inaalipusta sa mundo, kahit saan ka man magpunta. hitik sa intriga at korapsyon din ang dalawang trabahong ito, pero hitik rin sa mga magagandang damdamin na nakakataba ng puso, lalo na't kung ang produkto ng dalawang trabaho ay may naitutulong sa mundo -- produktong naisulat, at produktong naituro sa mga estudyante, o mga estudyante mismo.
sad kasi itong dalawang trabaho ang trabaho ko noon, at hanggang ngayon. pero mas nauna bilang manunulat. at bilang manunulat na nakilala na rin sa larangan ng pagsusulat ng children's literature and young adult literature ngayon, nasa-sad ako sa kawalan kay rene. inaasahan ko nga sana noon sa barlaya workshop n adarna house na isa siya sa speaker para finally makikilala ko na siya, pero wala siya sa line-up bilang children's lit ang forte niya, at bilang young adult lit ang workshop na iyon.
hindi kami formally nag-meet pero lagi kaming magkasama sa maraming functions, mostly writers' functions. minsan na kaming napakilala sa isa't isa pero siyempre ang tulad niyang marami nang nakakasalamuha e makakalimot ng tulad ko kung di naman din malalim ang pagkakakilala namin sa isa't isa. pero ayos lang yun. tanga ko lang at nahiya akong magpa-awtograp sa kanya nung isang UP Press booklaunch ng apat na dula niya sa sekswalidad or something like that. yun yung libro niyang binili ko, dahil hinahangaan ko siya bilang playwright din.
saka sino ba naman ang makakalimot sa batibot? siya ang dahilan kung bakit meron nun. oo nga't parang local sesame street siya, pero tumatak pa rin sa mga utak namin iyon noon. malaki na ako nang mapanood ko iyon, pero aliw pa rin naman.
two months ago, nabasa ko somewhere na nagba-blog na rin siya (malamang from ian, siya ang naman ang nag-a-announce kung sinu-sinong writers na ang may blog e) kaya masugid ko siyang binabasa. kasi para akong nagfa-flashback sa mga writers workshops noon. daming napupulot na good insights from a fellow writer. saka natutuwa ako kasi honest din siyang mag-blog about being a writer, a teacher and all that. super-relate din ako sa marami niyang binabanggit about writers and teachers and our milieus, lalo na sa mga angst tungkol sa maintrigang mundo ng manunulat at sa mga estudyanteng hindi hilig mag-aral. kaya sayang...wala nang worthy writer blog na mababasa, na honest, tulad ng kanya.
rest in peace, sir.
No comments:
Post a Comment