09 August 2006

cinemalayan



missing in action muna ang drama ng lola niyo dahil kasalukuyan akong naaaliw/nalulunod (depende sa palabas) sa upfilminstitute cine adarna (or film center to most of you peeps) dahil narito na ang cinemalaya films sa amin. kaya kung wala ako sa cross-eyed section sa baba, naroon ako sa vip room sa taas para sa mga faculty at guests nila. pero since advise sa akin ng mga taga-teatro ay chaka ang audio ng dvd pag nasa vip, sa cross-eyed section lang ako. pakalat-kalat din ako sa lobby in between showings so if you wanna chorva, punta lang kayo roon at hanapin ako -- bago bumili ng tiket. i can usher you in as my guest. kung close tayo hehe. :P

pero silip lang konti sa blog ngayon dahil mahaba-habang pagrerebyu na naman ito sa weekend dahil tutuhugin at tatahulan natin ang lahat ng mapapanood natin dito, siyempre dun sa film review blog ko (click link to your left).  masyado kasing maraming maganda at/o dapat sabihin. but so far, i am happily weirded out (kung may ganyang term) by ping medina's grabegaleng portrayal of the late the dawn bandmember teddy diaz. galing ni ping! kakakilabot! and so far, we are mightily disappointed with that girl boxers film. ay, don't get me started. nag-round one na kami ng diskusyon nina edlej at mam gigi about this after we went out of the cinema.  sabi ko nga kay ed, pseudofeminist-flavored third world cocktail ang film. sayang si meryll soriano. tsk. wot a waste...

okay more soon. takbo ulit ako doon to catch the rest of the short films today. so far wala pa kong nagugustuhan pramis. di ko alam kung bakit nakapasok ang mga to sa totoo lang... hay.

see yah.

No comments:

Post a Comment