19 April 2006

tired but fun: some prod notes and lyf upd8s


having a tired but fun birthday month, so far. daming ginagawa pero dami ring nagawa, and i'm glad. update ko lang kayo ng kaunti.

kahapon marami-raming info na nakuha kami nina lensk, my former officemate, when we joined the i-blog summit again, the 2nd one by the UP internet and society sa UP law. okay naman kaya satisfied pero di ko na masyadong tinapos nung huli kasi my tummy's not feeling well na.

wanted to go back to working out sana this week pero medyo thrown off ako ng sked. but i started walking again ng 2 days na kaya happy na rin. di lang ako makatsamba sa boxing enrollment kasi hagip ang skeds nun ng current skeds ko. kaya next time na lang. or by late may. excited na kong mag-box ulit.

kala ko kasi medyo relaxed this week at walang shoot dahil show outing ng LOVELY DAY pero may shoot pala ng spiels dun kaya kelangan ko sumama. eto nga ang mas pinagkakaabalahan ko lately. production na pagod pero masaya naman kasi masaya ang mga tao. mga mahirap nga lang utusan ang ilang tao na siyang critique rin ng ibang nakakataas pero i guess it's called generation gap.  iba talaga ang mga panahon namin. medyo ewan ko lang kung ano nangyari sa mga kabataan ngayon at di sila ganoon mabilis kumana ng mga bagay-bagay. oh well, maybe in 5 years' time puwede na...

pero overall, masaya. parang kanina, nag-shoot kami ng spiels sa orchidarium sa luneta. happy naman. some STARSTRUCK AVENGER gurl was our guest star, at ni hindi ko siya kilala hehe. pero masaya namang idirek. mabilis ang pick-up at game mag-campy acting ng mga fashionistang biatch villain archetype ng show hehe. swak siya. nasayahan yata at sabi niya sa uulitin, so bet naman. :) at least yung starstruck-er na yun, matinong bata, di tulad ng iba riyan... howelllll....

saka i'm trying to compete with myself. pinapaikli ko ng pinapaikli ang shooting time ng spiels. i'm trying to see kung aabot ng below 3 hours ang shoot for a 12-minuter average spiel. kaya lang medyo mahirap kasi kelangang ikonsidera ang special effects shoot kaya maraming extra lockframe shoots and stuff. saka minsan kelangang ayusin yung lines at yung mga bata e di masyado memoryado ang script. but i guess that's okay kasi nga kids sila, mabilisan at tv style. nasanay lang siguro ko sa Premiere Production before where yung mga kid actors like tom taus e darating sa set na memoryado na ang mga lines ng sequences for the day. pero iba rin kasi ang system ng filmmaking sa premiere 'pag kay bos cirio santiago, hollywood. dapat on time, sundin ang call time at pro lahat ng aspeto, kaya yung ganyang sequence breakdown ay properly scheduled at sinusundan ng lahat. appreciate ko yung training na yun, kesa nga naman sa mangangapa ka pagdating sa set.

saka i also play with the camera angling and shots. parang yung kanina, pinaikutan ko ng 360 degrees yung villain para maiba naman. saka para visually playful yung show. kelangan kasi e, di masyadong attractive yung location kanina at yung story per se. i hope it works.

but i'm excited to see this saturday's show. eto yung la union surfing show na bumisita rin kaming grape farm. yummy! hindi ko na kasi inuupuan ng todo ang mastering hanggang matapos kasi kana na nila yun e. talagang direk lang ang work ko, up to editing the speils i directed and giving directions to the special effects dude. keri na rin. at least hindi babad doon.

well, off to two more shoots before the month ends. masaya naman pala ang magng treinta y tres. :) soon.

tulog muna. edit pa bukas e.

No comments :

Post a Comment