18 February 2010

sakit ang kapalit ng US visa - sa bday niya


malas. ikalawang araw ko na itong may sinat, at sipong laging nariyan na lumalala kapag may sinat, na nagsimula lang naman lahat ng ito sa konting sore throat nung lunes ng gabi. na hindi nawala nung tuesday morning, ang araw na nakatakda kaming dumaan sa ritwal ng libo-libong pilipinong nagnais at nagnanais makatungtong sa lupain ni uncle sam - ang US visa application interview.

may kaibigan akong expert na sa mga immigration chenelyn, ang ny-based kong superfriend k, at katakut-takot na life coaching ang binigay niya sa akin about this process, from mga papeles na dadalhin at ihahanda para maniwala ang mga kano na babalik ako dito sa pinas hanggang sa kung ano ang sasabihin sa harap ng window ng consul at paano ang manner of delivery. isang kaibigang mandudula din ang nagmaneho sa amin ni superfriend x (sabay kami ng araw) na nagkukuwento rin ng isang dula tungkol dito dati, na natawa ako sa mga linya mula sa dula, tulad ng "denied! denied! wrong window!" at saka yung paborito kong "consul: do you have any questions? applicant: is this window bulletproof?" heheh. nothing like hanging out with crazy writer friends in an early morning road trip.

umaga ang sked namin pareho, mga 45 min. apart. malinaw na ang direksiyones sa labas pa lang ng embahada. para lang akong pumasok sa gilid ng CCP, ganun ang feeling, except puro kano ang haharap sa iyo. suwerte at sa dalawang african-american women ako natapat, una ay yung taga-kuha ng hightech na fingerprints (hala, nasa database na ako ng homeland security hehe) at yung sa loob sa consul window mismo, na para lang sosyal na bank teller o yung parang hitsura ng bagong Office of the University Registrar sa peyups ngayon.

mabilis lang ang interbyu sa akin. tinanong niya kung ano ang ipepresenta kong papel sa conference na dadaluhan namin sa new york. tapos kung ilang taon na akong nagtuturo sa peyups, at hiningi lang niya ang mga papeles na mula peyups, yung authority to travel mula sa chancellor then pinasilip ko yung one-year appointment papers ko. tapos tinanong lang niya kung ano ang ginagawa ng sisterette kong nag-iisa sa 'merika, ano status ek, at hayun na. may-i-type-type siya sa computer at may-i-browse-browse lang siya sa papeles kong sinumite, tapos sabi niya later "your visa is approved. you can proceed to the pavilion and have the courier chenes chenes chenes..." e beyond that, di ko na maalala dahil nga, tulad ng sabi ni superfriend k ko, adrenalin rush na kasi ng narinig mong tanggap ka, so di mo na naitanong pa kung kelan ang release ng visa at gaano katagal ang ibibigay sa iyo.

pagtawag ko kanina sa peyups para sabihing di ako makakapasok, sinabi ng dakila naming sekretarya na natanggap na niya ang courier-delivered visa. pinabuksan ko sa kanya at pinabasa ang nilalaman. "mam, expiration date feb. 15, 2020, entries: M. tapos may litrato mo pero di malnaw."

napangiti lang ako sa payoff ng ordeal na ito. ten year visa, at ilang beses na pagpasok sa land of milk and honey, ang binigay sa akin ng embahadang kaamoy ng CCP building. winner. ayos na ko. i can sleep now hehe.

so it looks like i'm new york-bound next week, after all hehe. haaaaaaaaaaaay.

ayuz.

excited na pareho ang hosts ko doon, si superfriend k sa new york at ang sisterette sa california. oh yeah baby, coast to coast ang byuti ng lola moh!!! heheh. excited na rin para sa akin si goldstar ko, na nag-text sa akin ng "i wish u us visa!" para naman daw maiba at hindi lang generic na "i wish u gud luck!" hehe. oo nga naman. so ayan na.

good luck charm nga ito sa araw na ito, araw ng birthday ni goldstar. heto't lumarga siya ngayon para pumitas ng ilang dahon mula kay georgia da oregano, ang tanim naming iniwan sa bahay ng magulang ko sa kabilang barangay/village, dahil wala nang spece para kay georgia dito sa condo. oo may pangalan ang halaman at siya ang nagbinyag diyan hehe. sabay bili ng kalamansing gagawin niyang juice ko para dyusko, mawala na ang biglaang dumating na sinat at sakit haaaayyy...

nagbabalak sana kaming kumain sa paborito naming thai food eatery sa bayan, sa krung thai. ay, kung sinuman ang nagtanong sa akin dati kung bukas ito, oo, bukas na siya hehe date na kayo ulit dun :). kaya lang naisip ni goldstar na ipang-grocery na lang namin ng needed supplies for our respective trips ang ipangku-krung thai namin. hm nga naman. so i went with her plan, kahit nasabik akong sumipsip ng tom yum goong yumm... sige na nga, kalamansi juice na lang, tutal maasim din hehe. saka nga malas kasi may sakit ako harrrrr... wrong timing ang sakit na ito, oo. kung kelan pa naman birthday niya, saka pa siya ang nurse koh instead na nakapasyal kami sa labas. hay...

at ayan nga yata kasi ang kapalit ng usvisa, ang lagnat. hayyyy...
oh well. bawi na lang ng bongga sa susunod.

di bale, may visa na, may golstar pa hehe. i'm good to go. :)

ayan na, kakatawag lang ng madir ko, kakaalis lang daw dun ni goldstar. ayuz. sweet din ni mommy, nagpa-deliver dito sa amin ng isang bilaong special palabok na binibili namin sa tabing kalye dun sa village, nang malaman niyang birthday ni goldstar hehe. ayan nilantakan na namin ang kalahati, at binigyan din namin sila.

yes, life is good. :)

12 February 2010

a simple truth


you know what? simple lang: masaya kami. as in.


jan 2010, coming from assad's indian store/resto in manila


meron kasing hindi naniniwala. di ko alam kung bakit.



while waiting for cine snax before a movie date, jan2010


meron din kasing naninira. sabi niya, kaya ko raw siya tinanggal sa pagtuturo ay dahil sa type ko daw ang katrabaho kong minsan niyang na-type-an daw pero basted siya. hanlabo. e meron na kaya akong jowa at that time na inakusahan ako nito, at saka ni sa panaginip, di ko na-type-an ang sinasabi niyang katrabaho ko. labo.


birthday ko, 2009



after watching zsazsa zaturnnah ze musical sa ccp feb 2009


meron din kasing nagdududa. sa layo daw ng edad namin, marami daw dapat pagdududa, lalo na sa part ko. wala naman akong pagdududa sa kanya. ang duda ko ay sa sarili ko dati -- kung kaya ko pa bang mag-sustain ng love life gayong ilang beses na akong burned sa mga pangit na ugaling babae sa past.



sumaglit sa baguio sept 2009



birthday niya 2009


surprisingly, kaya pa.


baguio pride march june 2009


meron din kasing nae-engganyo. simple lang naman ang deal dito. walang secret formula. give and take lang dapat, at saka walang hierarchy of importance. iyan ang bagong aspeto sa akin this time around. dati kasi, laging may hierarchy -- of needs, of wants, of importance, of time, you name it. ngayon, wala na. kaya mas masaya na, at tuloy-tuloy lang ang saya.



UP Baguio june 2009



linsangan family reunion dec 2009


meron din kasing naiinggit. gusto kong sabihin sa kanilang hindi talaga sila makakahanap ng sarili nila kung hahayaan nilang mamayani ang inggit. sayang oras, di ba? sayang.



surfing at san juan sept 2009



fooling around in my parents' house 2008


meron namang natutuwa. kyut daw siya. kyut daw ako. kaya kyut kaming dalawa. hehe. enuf said.



art exhibit opening, march 2009


meron ding nagagalit sa akin, at eto weird ito. hindi dahil sa kanya, kundi dahil sa isa kong best friend na lalaki. ang siste, may nagseselos sa closeness ko at sa closeness ni guyfriend ko, kahit alam naman niya ang love story namin ng goldstar ko. iyan ang tunay na malabo! tumbling, right? ewan. away, evil spirits!!!



in our favorite mini-stop 2008


wala, naghahanap lang siguro ng mabe-blame 'yung taong 'yun sa pagkaka-basted sa kanya ng guyfriend ko. as usual, lola mo na naman ang target ng mga losers. what's new, right? i guess if their life sucks, they look into mine and nitpick on what could suck in it. guess what -- nothing sucks in my life!!!! nada.



bauang beach ang pagbabalik, sept 2009


oh well... dedma. iwas-nega.




yummy place with yummy peeps, june 2009 baguio


basta kami, wala kaming sinasaktan at tinatapakan. wala rin kaming sadyang iniinggit o anuman. basta nagkatagpo kami ng landas at pareho naming ginustong tumahak ng panibagong landas na magkasama kami. at siguro ang pinaka-importante, nagsusuportahan kami ng isa't isa, nagmamahalan, nag-aarugaan, at nagkakaintindihan.



ondoy evacuees... sa house ng parents ko, sept 2009


ang importante lang sa amin ngayon ay ang masaya kami pareho dahil magkasama kami. at saka maganda na ang takbo ng buhay namin pareho, nang dahil sa isa't isa. peksman.



bus on the way to meet her family, april 2009


e may ganun e.



lingayen beach, jan 2009


yes, life is good. our life. i hope yours, too, kung enjoy ka sa muni-muni kong ito. kung saan ka man naniniwala -- happy valentine's day! o kung hei fat choi!